Katherine's POV
Nakahiga ako sa kama, pakiramdam ko'y lumulubog ang katawan ko sa malambot na mga unan, na para bang nakauwi na ako sa pinaka-komportable at pinakaligtas na lugar sa mundo. Ang mga unan sa ilalim ng aking ulo ay parang mga ulap, at ang makapal na kumot ay parang mainit na yakap na ayoko nang pakawalan. Habang inaayos ni Ms. Irene ang gilid ng kumot sa paligid ko, mabagal at maingat ang kanyang mga galaw, na parang bawat tiklop at ayos ay may kasamang pagmamahal at kaunting pag-iingat. Kahit gaano ako kasaya, nakikita ko sa mga mata ni Ms. Irene na may halong pag-aalala pa rin. Her eyes, the ones that I used to think always held stern authority, were now so soft, so tender.
"Do you feel comfortable?" tanong niya, mahina ang kanyang boses, na para bang ayaw niyang sirain ang kapayapaan sa silid. Ipinusod niya ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga, tinitignan ako ng mga mata na puno ng pagkalinga na hindi ko akalaing hinahanap ko pala nang matagal.
"Opo, Ms. Irene," sagot ko, na may ngiti sa aking labi. Mas mahina ang boses ko kaysa dati, marahil dahil sa ginhawang nararamdaman ko o dahil puno ng pagmamahal ang puso ko sa mga sandaling ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ng dahan-dahan habang nilulubog ko ang sarili sa mga unan, hinahayaan ang init ng kumot na balutin ako. "It feels so good to be home... to be in my bed" May kung anong kakaibang pakiramdam habang binibigkas ko ang salitang 'home', parang pamilyar ngunit bago rin sa pandinig.
Ms. Irene's lips tugged into a small smile, the kind of smile that you'd miss if you blinked too fast. Isang linggo na akong nasa bahay, at simula noon, hindi niya ako iniwan. Araw-araw, oras-oras, nandiyan siya, binabantayan ako, inaalagaan ako, na para bang tinitiyak niyang hindi na ako mawawala muli.
"Masaya ako na nandito ka na ulit, anak," bulong niya, ang boses niya'y bahagyang nabasag. Pinisil niya ang kamay ko ng mahigpit, ngunit hindi ito masakit. It was... reassuring. Parang sinasabi niyang hindi na ako maaaring mawala sa kanya muli. Naramdaman ko siyang umupo sa gilid ng kama, at nang tiningnan ko siya, nakita kong namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak, ngunit halatang-halata ito sa kanyang mukha. "I'm so glad I didn't lose you."
Iba ang tama ng mga salitang iyon sa akin, mas mabigat, mas totoo. Maraming beses ko nang narinig na masaya ang mga tao na nakabalik ako, pero iba ang pakiramdam kapag siya na ang nagsabi. Para bang may daladala siyang bigat na hindi ko lubos na nauunawaan hanggang ngayon.
"I'm so sorry," sabi niya, pilit na tinatawanan ang luha ngunit hindi ito epektibo. Ang tunog ay hungkag, puno ng kung anong bagay na hindi saya. "I shouldn't be crying in front of you."
"It's okay to cry... and it's okay for me to see it." My voice was firmer this time, wanting her to understand that she didn't need to hide anything from me.
Umiling siya, pilit na ngumiti. "Look at you. You're so mature na. Are you sure 16 ka pa lang?" She tried to tease, but I could hear the quiver in her voice, the way she was fighting to keep her composure.
Ngumiti ako, my heart swelling a little at her words.
A few minutes passed, her tears eventually stopping. Pinunasan niya ang kanyang mga mata, sniffling a little as she regained her composure. The room felt lighter again, and I was glad. I didn't like seeing her so vulnerable, but at the same time, it made me feel closer to her. Parang mas may naiintindihan ako tungkol sa kanya ngayon.
"Alam ko pong pagod kayo," sabi ko, pilit binabago ang usapan. "Kailangan niyo din pong magpahinga. Matulog po muna kayo."
Tinitigan ako ni Ms. Irene, at sandali kong inisip na baka tumutol siya. Kilala ko siya, malamang ipipilit niyang manatiling gising, making sure I was okay for the hundredth time today. Ngunit sa halip, tumango siya, bagama't may pag-aalinlangan. "You're right," she said, her voice softer now. "I will. I just... I just needed to know you were real, and here, and alive... it's hard to explain."
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.