Kapitulo trece

136 7 7
                                    

Pasado alas tres na ng tanghali nang maka-uwi na ako ng bahay pero si manang Rose lang ang nakita ko.

"Hi po manang Rose! Nasaan po si nonna?"

"Oh Erine naka-uwi ka na pala. Nasa taas ang lola mo, nagpapahinga ata sa kwarto nya. Puntahan mo na lang." inform nya sa akin at pinag-patuloy ang pagwawalis dito sa sala.

"Sige po."

Agad akong pumanhik para pumunta na sa kwarto nya.

*Knock *Knock

"Come in." rinig kong wika nya nang marinig ang katok ko sa pinto.

"Nonna?" wika ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kanyang silid. Nandoon sya nakaupo sa kama habang binabasa ang "The picture of Dorian Gray" - libro na isinulat ni Oscar Wilde.

"Hi.." ngiti ko.

"Come here Erine..." sinuklian din ni nonna ang ngiti ko atsaka nilahad ang dalawang braso.
Magiliw naman akong lumapit sa kaniya at sumampa sa kama niya para tanggapin ang kaniyang yakap.

She's so sweet and kindhearted.

Noong nabubuhay pa si lolo ay mas masigla pa si nonna pero ngayon... tatlong taon pa lamang ang nagdaan mula nang pumanaw si Lolo, subalit dama ko na ang unti-unting pag-idlip ng sigla ni Nonna. Para bang kasabay ng paglisan ni Lolo ay dahan-dahan ding humuhupa ang kaniyang lakas, na tila ang bawat araw ay nagpapabigat sa kaniyang mga balikat. Ang dating masiglang mga mata ni Nonna, ngayon ay may laylay na tila pinapasan ang mga taon ng pag-aalala at pangungulila. Ang kaniyang mga hakbang ay bumagal, at ang dati'y malakas na tinig ay naging bulong ng alaala ng nakaraan. Sa paglipas ng mga araw, hindi lamang ang kaniyang katawan ang napapagod kundi pati ang kaniyang kaluluwa, na tila tinatangay ng hangin ng pag-iisa.

Minsan niyang nasambit sa amin na hindi niya kayang mabuhay nang wala si Lolo. At tila pinipiga ang aking puso sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, pilit na itinatago ang kaniyang dalamhati sa likod ng huwad na ngiti. Ramdam ko ang bigat ng bawat araw na pinagdaraanan niya—isang tahimik na pakikibaka sa loob ng kaniyang dibdib. At sa kabila ng kaniyang mga pagtatangkang magmukhang masaya, alam kong bawat sandali ay isang pagpapaalala sa kaniya ng kawalan, isang masakit na pagsuko sa katotohanang hindi na muling magbabalik si Lolo.

"Kamusta na po kayo?" Tanong ko sa kaniya.

Palagi ko siyang tinatanong kung kamusta siya, umaasa na sa pagkakataong iyon ay sasabihin na niya ang tunay niyang nararamdaman. Ngunit sa bawat tanong, isang ngiti lang ang isinasagot niya, kasabay ng "Mabuti naman ako, apo." Pero kahit anong pilit ko, parang may harang sa pagitan ng aming mga salita, at patuloy akong nagbabaka-sakali na balang araw, hayaan niyang makita ko ang buong kwento ng kanyang damdamin.

Natawa siya atsaka hinalikan ang aking noo.

"I'm doing fine apo. Nakapag-pahinga na ako habang iniintay na dumating ka- hindi ba sabi mo ay lalabas tayo?" Aniya.

"That's good to hear, Nonna—magpapalit lang po ako saglit," sabi ko, ngunit bago pa man ako makatayo, marahan niya akong hinawakan at muling niyakap. Malay ko ba, parang ang hilig ng mga tao sa paligid ko sa yakap, pero ako, hindi.

"Ganito muna tayo," bulong niya, habang ramdam ko ang init ng kaniyang yakap. "Na-miss ko ito. Masyado ka nang abala sa eskuwela mo kaya ang mga ganitong simpleng sandali, hindi na natin madalas nagagawa."

Naramdaman ko ang bigat ng kaniyang mga salita, tila may lungkot na nakakubli sa kaniyang boses. Inisip ko, gaano nga ba kadalang ko binibigyan ng oras ang ganitong mga pagkakataon?

"Gusto kong makasama kayo hanggat nandito pa ako..." dagdag pa niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Lola!" pag-protesta ko, naguguluhan sa kanyang sinasabi.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon