Today is the day.
Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko—ang road trip namin. Hindi ako makapaniwala na nakalusot ang paawa effect ko kina Mommy at Daddy. Parang pwede na talaga akong maging bida sa mga teleserye, with matching luha at slow-motion na yakap. Siguro, kung may "Best Daughter in Convincing Parents" award, akin na 'yun. Kahit ilang beses na akong sinabihan ni mommy na delikado at baka masaktan daw ako, nagawa ko pa rin sya mapa-oo. Mission accomplished!
Suot ko na ang pinaka-comfy kong shorts at oversized t-shirt—ready for anything. Kailangan talaga chill ang outfit, kasi buong araw kaming nasa galaan. Pero habang nag-aayos, naisip ko na baka kulang pa 'yung mga snacks na dala namin.
Alam mo na, mahirap na pag nagutom sa kalagitnaan ng road trip, once na magutom kami sa gitna ng daan, magiging survival mode ang trip na 'to. So, kumuha ako ng extra pack ng chichirya, chocolates, at sandwiches.
Better to be over-prepared than hungry, diba?
"Bye, Mommy! Bye, Daddy!" sigaw ko nang makasakay na ako sa van. Sobrang excited ako, pati pag-kaway ko, parang mala-beauty queen. Si Mommy naman, as usual, todo paalala at halik bago kami umalis.
"Bye, baby! Stay safe, ha! Ayaw kong makakita ng kahit anong galos sa 'yo pagbalik mo!" sabi ni Mommy, habang kinakaway-kawayan ako na parang hindi na ako babalik. As if naman aalis ako papuntang ibang bansa.
"Bye, Ely! Alfonso, Luis, take care of your sister," seryoso namang bilin ni Daddy. Typical dad, pero alam mong softie rin siya deep inside at kita ko sa mata niya na natatawa din siya sa sobrang protective nila.
"Yes po, Dad! We'll take care of our ading," sagot ni Kuya Alfonso na ang lakas maka-sergeant ng boses, habang ini-start na 'yung van.
Sa wakas, umandar na ang van.
Sa utak ko, parang may drum roll na tumutugtog.
Adventure, here we go!
First stop: bahay nila Zia, ang aming meeting place. Pagdating namin doon, halos lahat ng magpipinsan, present na. Nakahilera na sa garahe ang iba pang sasakyan.
Sina Zia, Mackie, at lahat ng mga kuya namin—sina Kuya Borgy, Kuya Matthew, Kuya Michael, Kuya Sandro, Kuya Simon, at Kuya Vincent.
"Are you guys ready?" tanong ni Kuya Borgy na parang tour guide na sobrang seryoso. Tumingin siya sa amin, as if kami 'yung batch ng mga estudyanteng may field trip.
"Yes, kuya!" sigaw naming lahat, sabay-sabay na parang choir. Excited ang bawat isa. Alam mong wala nang balikan 'to—full adventure mode na.
Lahat ng mata, may kislap ng excitement. Iba kasi 'yung feeling ng road trip, eh—yung tipong walang planong masyado, basta makapag-enjoy lang.
"Game na! I-boot up na natin ang road trip playlist!" excited na sabi ni Kuya Borgy habang ini-on ang kanyang cellphone para sa trip playlist. Tumugtog agad ang mga classic OPM songs na kayang magpabalik sa iyo sa mga panahon na walang stress.
Habang bumabyahe kami, ang saya ng vibes. Si Kuya Luis, ginawang DJ ang sarili, "Okay, karaoke time! Anong gusto niyo kantahin?"
"Kahit ano!" sabi ni Mackie na hindi mapakali. Ang hyper din kasi.
At ayun na nga, walang tanong-tanong, biglang tumugtog ang "Harana".
Sabay-sabay kaming nag-umpisang kumanta.
"Uso pa ba ang harana,
Marahil ikaw ay nagtataka,
Sino ba 'tong mukhang gago,
Nagkandarapa sa pagkanta..."Kahit sintunado na kami at nawawala sa tono, wala kaming pake. Basta masaya, okay na! Pati si Kuya Simon, na normally tahimik, biglang humirit ng second voice. Kami naman, hagalpak sa tawa habang nagka-karaoke sa gitna ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.