Katherine's POV
Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas mula nang malaman kong may cancer si Nonna. Parang gumugulong lang ang oras, tuloy-tuloy, walang tigil. Ang mundo ko umiikot na lang sa ospital—kumakain ako dito, natutulog, naliligo. Kung hindi dahil sa CR na may shower, ewan ko na lang, baka amoy ospital na rin ako ngayon. Laging masikip ang dibdib ko tuwing tumitingin ako sa kanya, tahimik lang sa kama, ang mga makina sa paligid nag-bebeep, tila ba iyon na lang ang tanging nagpapaalala sa akin na buhay pa siya.
Si Tita Patricia lagi na lang ako pinipilit na umuwi para magpahinga. Lagi akong sinasabihan na kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. Pero paano nga? Paano ako magpapahinga kung may parte ng akin na natatakot sa mga sandaling wala ako? What if mawala siya habang wala ako?
Hindi ko kakayanin.
Ang araw-araw na pagdating nina Ms. Irene at Sir Greggy, laging puno ng concern, ngunit sa kabila ng mga ngiti nila, nararamdaman kong nahihirapan din sila. Sino ba naman ang hindi, diba? Pati mga pinsan ko at si Tita Elvira, nagiging regular visitors na rin. Siguro nga kung ibang sitwasyon lang, mukhang reunion na itong lahat. Ang daming tao, pero bakit parang ang lungkot pa rin? Bakit parang wala pa ring sapat na liwanag para makawala ako sa pakiramdam na ito?
Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, naupo ako sa maliit na upuan sa gilid ng kama ni Nonna. Ang lakas ng amoy ng disinfectant, halos hindi na mawala sa ilong ko kahit anong pilit kong huwag pansinin. Iniipit ko ang mga buhok ko sa likod ng tenga habang inaayos ang maliit kong bag ng mga gamit. Walang specific na laman, pero kailangan kong magmukhang abala kahit sa mga bagay na walang kwenta.
"Katherine, umuwi ka muna," sabi ni Tita Patricia, biglang lumapit sa akin. Tumayo agad ako nang marinig ko ang boses niya, out of instinct, out of respect.
"Ilang araw ka nang walang maayos na pahinga. Give yourself a break naman, Erine. Tignan mo, andito sina Tita Elvira, mga pinsan mo, ako, nandito rin. We'll all take care of Mama Emma."
Tumingin ako kay Nonna, tahimik at halos walang galaw, ang mga mata sarado, tila ba nasa malalim na pagtulog. Paano ko iiwan siya? Paano kung magising siya habang wala ako?
"Tita," mahinahon kong simula, "Okay lang po ako. Kaya ko pa naman. Hindi pa po ako pwedeng umalis."
"Minsan, kahit kaya mo pa, hindi ibig sabihin na dapat mo pang pilitin. Nag-aalala kami sa'yo, Katherine. Hindi ka namin gustong makita na natutumba na dahil sa pagod. You're young, you need rest," sagot niya, trying to sound gentle pero halatang concerned na siya.
I was about to answer when everything started to feel fuzzy. Parang biglang umikot ang mundo, and then everything went black for a second.
Napahawak ako sa sentido ko, halos walang makita, naramdaman ko na lang si Tita Patricia na alalayan ako.
"Katherine! Okay ka lang?" tanong niya, bigla na siyang nakatayo sa harapan ko, hawak ako sa braso, ang boses niya puno ng pag-aalala.
Narinig ko sina Ms. Irene at Sir Greggy na papalapit, parehong mukhang alerto at sabik malaman kung anong nangyari. Tumigil si Ms. Irene sa harap ko, hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Hey, Ely. What happened?" ang tanong niya, habang tinitingnan ako nang mabuti. "May masakit ba sa'yo?"
"Okay lang po ako," mahinang sagot ko. Pero kita ko sa mga mukha nila na hindi sila naniniwala.
"Don't lie to us," sabi ni Ms. Irene, this time mas firm ang boses. "Alam ko na hindi mo sinasabi kapag may nararamdaman kang hindi maganda. So tell me, anong masakit?"
Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin sa kanila na everything is fine, pero parang walang lumalabas sa bibig ko.
Pagod lang siguro ito.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.