Kapitulo cuarenta y siete

167 12 0
                                    

Katherine's POV

"Ely, wake up." Rinig ko pa rin ang boses ni Mommy sa kalagitnaan ng antok ko, pero pilit kong binalewala. Hinila ko pa ang kumot para takluban ang mukha ko. Masarap pa ang tulog ko, at wala akong balak gumising ng ganito kaaga.

"Ely, gising na!" This time mas malakas na. Nagsimula nang mag-sync in ang mga salita niya sa utak ko. May urgency sa boses ni Mommy, pero tinamad pa rin akong bumangon. Hindi ko pa kayang hiwalayan ang malambot kong kama.

"Elyse..." Sa pangatlong tawag, napilitan na akong imulat ang isa kong mata. Si Mommy nga, nakatayo sa may pinto, naka-cross arms at may konting kunot sa noo. Medyo alerto na ako, pero hindi pa rin ako bumangon.

"Hmm... bakit po?" Antok na antok pa rin ang boses ko. Nagpuyat kasi ako kagabi dahil sa group video call namin nina Mackie at Zia. Ang saya-saya namin, nanood ng Money Heist hanggang matapos ang buong season. Hindi ko na napansin na madaling araw na pala nang matapos kami.

So you can imagine how dead tired I am right now.

"What do you mean bakit? Di ba we're going to church? Kailangan mo na mag-ready, Ely!"sagot nj mommy, habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa wall clock na parang may hinahabol na oras.

"Opo..." pero boses lang ang umimik, hindi ako kumilos. Tumagilid pa ako sa kabilang side at tinakluban ulit ang sarili ng kumot. Gusto ko pa talagang matulog.

Kailangan ko ng more than 5 minutes.

Maybe 30.

"Ano ba, Ely? Wake up na nga!" Frustrated na si Mommy. Narinig ko ang pagtapak niya palapit sa kama. Kahit hindi ko siya nakikita, pero ramdam ko ang energy niya na parang iniisip na, "Paano kita babangon diyan?"

"5 minutes, Miss..." pagmamakaawa ko, na halos bulong na.

"Fine! Bahala ka!" Narinig kong napabuntong-hininga siya ng malalim at maririnig mo sa tunog ng mga yapak niya paalis ng kwarto na medyo galit—parang nagdadabog pa. Akala ko, safe na ako, makakatulog ulit.

Pero Katherine...nagkamali ka.

Wala pang limang minuto, bigla na lang bumukas ulit ang pinto. Nagpretend akong tulog, pero narinig ko na may pumasok at bumagsak sa kama ko.

"Bunso!" sigaw ni Kuya Alfonso, at niyugyog ako nang malakas. Literal na parang pinipilit niyang ilabas lahat ng antok ko sa pag-alog sa akin. Grabe, parang earthquake sa lakas! Sobrang alog pati yung utak ko!

"Kuya! Ano ba!" Sigaw ko habang nilalabanan yung pag-alog sa akin. Hinawakan ko yung unan at itinakip sa mukha ko para hindi niya ako makita. Pero, siyempre, persistent ang Kuya ko.

"Mom said to wake you up!" Sabi niya, masaya pa siyang ginagawa ang 'mission' niya. Tumigil siya sa pagyugyog pero naramdaman kong umusog siya sa kama, sumiksik sa tabi ko. Sobrang likot niya at nadadala ang buong kama. Umuugoy pa rin kahit tapos na siyang mang-alog.

At guess what? Sa sobrang kalikutan niya, naitulak niya ako mula sa kama. Nabitawan ko yung unan at bagsak ako sa sahig.

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit habang hinahaplos ang balakang ko—'yun pa talaga 'yung unang tumama! Ang sakit, grabe!

May narinig akong gasp sa may pinto. Lumingon ako at nakita ko si Mommy, naka-freeze sa threshold ng room ko, na para bang hindi makapaniwala sa nakita. 'Yung expression niya, priceless—halos mapa-facepalm siya.

"Alfonso! What are you doing?!" Sigaw ni Mommy kay Kuya Alfonso. Kita mo talagang naiinis na siya.

"Mom, you told me to wake her up!" depensa ni Kuya Alfonso, nakataas pa ang kamay na parang inosente. Grabe, kailangan may ganitong moments talaga sa umaga?

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon