Day 1 ng lamay ni Nonna.
Nakatayo ako sa labas ng chapel, pinipilit kong buuin ang loob ko bago pumasok. Kahit malamig ang hangin, ramdam ko yung bigat sa dibdib ko na para bang kulang ang hangin sa paligid. Ang daming sasakyan sa labas, ang daming tao—lahat sila nandito para kay Nonna. Pero parang walang makakaramdam ng nararamdaman ko. Parang nasa ilalim ako ng dagat, yung tunog ng paligid ko muted, lahat mabigat, lahat mahirap.
Naglakad ako papasok ng hallway. Mahaba ang daan papunta sa chapel, parang mas humahaba pa habang naglalakad ako. Kada hakbang ko, lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Pagdating ko sa entrance, huminga ako nang malalim.
"Okay ka lang. You have to, Katherine," bulong ko sa sarili ko. "Kailangan mong maging malakas. Para kay Nonna."
Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad yung kabaong na puti sa gitna ng silid. Napapalibutan ng bulaklak, puro puti't dilaw, mga paborito ni Nonna. Napakaganda ng set-up, halos surreal. Pero kahit anong ganda ng paligid, hindi maaalis yung lungkot at bigat.
Pakiramdam ko, parang may sumasakal sa akin habang papalapit ako sa kabaong.
Nakita ko sina Tita Patricia at Tita Elvira, nakaupo sa harap, parang nauupos na kandila. Hindi ko alam kung ilang oras na silang nandiyan, pero kita sa mga mata nila na pagod na sila sa kakaiyak. Hindi nila ako nakita kaagad, pero ramdam ko yung mga tingin ng ibang tao sa akin habang patuloy akong lumalapit. Alam ko kung ano ang iniisip nila—ako na ang pinaka-malapit kay Nonna. Ako na ang dapat maging matatag.
Pero paano kung hindi ko kaya?
Pagdating ko sa harap ng kabaong, nakatingin lang ako kay Nonna. Yung mukha niya, parang payapa, parang natutulog lang. Pero alam ko, hindi na siya magigising. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako—gusto kong umiyak, pero pakiramdam ko, kailangan kong maging matatag para sa lahat. Kailangan kong magpanggap na okay ako.
Nilapag ko yung bouquet ng mga paborito niyang bulaklak sa ibabaw ng kabaong.
"I bought your favourite flowers, nonna." bulong ko. Isang pangakong alam kong hindi niya na maririnig. Sunod-sunod na bumagsak yung luha ko. Pinunasan ko agad, ayokong makita ng iba. Nanlalambot ang mga tuhod ko, pero pilit kong kinokontrol ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag, hindi para sa sarili ko, pero para kay Tita Patricia. Ako na lang ang natitira nyang pamilya na talagang nandiyan.
Hinaplos ko yung glass na nakatakip sa kabaong ni Nonna. "I wasn't even done loving you yet," bulong ko ulit, mas malakas ng konti. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko, yung sakit na hindi ko maipaliwanag. Pero hindi ko pwedeng ipakita. Walang dapat makakita.
Huminga ako ng malalim bago tumalikod at naupo sa isang bakanteng upuan sa gilid. Habang naupo ako, halos hindi ko na marinig ang sarili kong hinga. Alam kong mahaba-habang araw pa ang susunod. Madaming tao ang lumapit sa akin, isa-isa nilang sinasabi ang pakikiramay nila, pero parang wala akong marinig. Parang lahat ng tunog sa paligid ko naging background noise na lang.
Pagkatapos ng ilang oras ng pakikiramay, bumalik ako sa reality nung nakita ko si Tita Patricia. Siya yung pinaka-wasak. Halos hindi siya gumagalaw mula sa upuan, nakatulala lang siya, parang wala sa sarili.
"Tita, hindi pa po ba kayo kakain? Sige na po oh" tanong ko, pilit kong ginagawang normal ang boses ko. Pero hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa kawalan. Ramdam ko yung bigat ng mga mata niya, pulang-pula at malalim na ang mga mata sa kaiiyak.
"Please, tita, kailangan mo pong kumain. Magkakasakit po kayo," pagsusumamo ko ulit, pero parang hindi niya ako naririnig. Saka lang siya tumingin sa akin nung narinig niya yung desperasyon sa boses ko. Tumango siya nang mahina, halatang wala na siyang energy kahit para sumagot man lang.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.