Katherine's POV
Nandito kami ni Tita Patricia sa mall, nagpapalipas ng oras bago nya ako i-uwi sa bahay.
Naglalakad-lakad lang kami, we didn't do anything extraordinary—just casually browsing through racks, maybe buying a dress or two, and laughing about how boring our errands had become.
Kung saan-saan kami pumasok, parang robot na lang ang galaw namin habang tumitingin ng mga damit.
Pero may something eerie na hindi ko agad ma-pinpoint. The kind of nagging feeling that won't let you enjoy what's in front of you.
Habang nagsusukat ako ng mga damit na parang pipiliin ko pero alam ko naman na hindi ko bibilhin, napansin ko na may mga matang sumusunod sa amin. Hindi ko pa agad nakita, pero nung tumingin ako ulit, ayun sila—apat na tao, nakatayo sa di kalayuan. Nagkukunwaring busy, pero halata mong kami ang tinitignan. At may dala silang camera.
Camera? Sino sila, mga photographer?
"Tita, parang may sumusunod sa atin," bulong ko kay Tita Patricia pagkalabas nya ng fitting room, binabantayan ko pa rin sila sa sulok ng mata ko.
"Sino? Ano?!" tanong ni Tita, halatang nagulat. Napalingon siya sa paligid, tapos saglit siyang tumahimik, pero alam kong kinakalma lang niya ang sarili niya. Ramdam ko rin ang kaba niya kahit gusto niyang magmukhang composed.
"Hindi ko alam, pero apat sila. May dala pa ngang camera. Kanina pa sila nakatingin," dagdag ko, sinusubukan maging kalmado kahit pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa kaba.
"Bakit naman tayo nila susundan? Celebrities ba tayo?" sagot ni Tita, halatang naiinis at di makapaniwala. Pero nakita kong mahigpit na hawak niya ang kanyang bag, parang ready na siya sa anumang mangyari.
Tumawa ako, sinusubukang pagaanin ang sitwasyon. "Baka gusto kang kunin na model, Tita."
"Hay naku, Katherine. Tumigil ka nga dyan sa kakabiro mo," sagot niya, bahagyang tumatawa pero halatang di pa rin kumportable.
Pareho kaming nag-aalala, kahit hindi namin sabihin.
Paglabas namin ng tindahan, mas tumindi ang kakaibang pakiramdam. Sa bawat sulok, parang kilala ako ng mga tao. May mga tingin na hindi lang basta curious—parang alam nila kung sino ako. Pero paano? Hindi naman ako active sa social media. Isa pa, palagi kong sinasabi sa mga Tita at kaibigan ko na huwag ipost ang mga litrato ko. Masaya na ako sa pribadong buhay.
Kaya paano nila ako nakilala?
Bago pa ako tuluyang makapag-isip, isang lalaki na may dalang camera ang lumapit at kinuhanan ako ng video. Ano 'to, prank?
"Ms. Katherine, ano po ang masasabi niyo sa mga balita tungkol sa inyo?" tanong ng isang hindi pamilyar na mukha habang naka-focus ang camera sa akin.
Anong balita?
Nakakunot ang noo ko, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Napansin niya siguro ang gulat sa mukha ko kaya nag-explain siya. "Yung balitang lagi kayong kasama ng mga Marcos, ma'am. Totoo ba 'yon?"
Halos tumigil ang puso ko. Ang Marcoses?
"Ano po ang relasyon niyo sa kanila?" tanong ng isa pang reporter, halos ipasok na ang mikropono sa mukha ko. Lumalapit pa ang iba, parang mga leon na papalapit sa isang inosenteng biktima.
"Bakit parang lagi kayong kasama nila? Nawawalang anak ba kayo ng mga Araneta?"
"Kamukha niyo daw po si Irene Marcos-Araneta! Totoo bang anak nila kayo?"
Ano daw? Parang bumagsak ang buong mundo ko. Mga Marcos? Anak ng Araneta? Hindi ko na alam kung anong sasabihin. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matawa o magalit sa mga tanong nila.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.