Kapitulo diez

162 7 6
                                    

Katherine's POV

"Oh hija nandito ka na pala!" bati sa akin ng kasambahay nina Ms. Irene, na hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan.

"Hi po! Ako nga po pala si Katherine, pero tawagin nyo nalang po akong Erine. Kayo po ano pong panglan nyo?" Masigla kong tugon.

"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sayo, ako nga pala si Esmeralda. Tawagin mo nalang akong manang Esmeng." sagot nya naman kaya inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands.

"Tama nga sina Irene, sobra mong bibong bata. Kaya pala tuwang tuwa ang mga magulang mo sayo."

"Hindi naman po sakto lang hehe."

"Oh sya dadalhin muna kita sa magiging kwarto mo kasi wala ang magulang mo. Umalis sila, hindi nila sinabi kung saan pero madali lang daw naman sila." paliwanag ni manang Esmeng habang sinusubukan kunin ang bag ko para sya na ang magdala.

"Manang ako na po ang magdadala ng bag, kaya ko na po. Salamat po."

We made our way to the front door na binuksan nya and then began to lead me through the massive halls.

Hindi ko maiwasang maging disappointed na hindi naghihintay agad sina Ms. Irene at Sir Greggy sa loob tulad ng dati- Ano ba yan! Naiinis ako na medyo nadismaya akong hindi sila makita.

"Heto ang kwarto mo." Ngumiti siya ng malapad habang binubuksan ang pinto para papasukin ako.

The room was big pero completely white, wala man lang design. It is not so me, walang decoration, walang kabuhay buhay.

It doesn't feel like mine.

Pumasok ako sa silid at nakita ang isang malaking banyo na may marble na sahig, isang claw foot na bathtub, at isang walk-in shower.

"Hindi na kita itou-tour ang mga mommy mo na daw ang gagawa nun. Oh sya maiwan muna kita dito para makapag-pahinga ka na. Tatawagin na lang kita pag dumating na ang mga magulang mo."

"Sige po manang. Salamat po."

Pagkasara nya ng pinto ay agad akong napahiga sa kama with the most comfortable mattress I had ever laid on, at bumuntong hininga ng malalim.

This doesn't feel like home.

*Knock *Knock

Napaupo ako bigla nang may narinig akong kumatok.

"Sino po yan?"

"Baby, it's mommy. May I come in?" Ms. Irene's called me from the door way.

"Opo. Pasok po kayo." I answered, standing up to open the door.

"Hi baby! Mommy missed you!" Ms. Irene greeted me excitedly and hugged me before I could even answer.

"Hi po Ms." nahihiya kong pagbati at kumalas na sa pagkakayakap nya.

Ang weird nya ah, kahapon ang tahi-tahimik nya tapos ngayon ang energetic nya.

Nginitian nya muna ako at hinawakan ang mga kamay ko bago ulit magsalita.

"Is it okay if this is your bedroom? I didn't decorate it because I wanted you to do it. You decorate it however you want. We will go shopping to buy the things you need okay?"

"Uh It's fine po Ms. Hindi nyo na po ako kailangan ipag-shopping, sure po akong madami pa po kayong gagawin kaya wag nyo na po akong intindihin." I tried to reassure her that it was fine.

"That's nonsense anak and I won't ever be too busy for you." Biglang naging seryoso ang aura nya at binitawan ang mga kamay ko para umupo sa dulo ng kama.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon