Katherine's POV
Nagpatuloy kami ni Tita Patricia sa pagkain, at habang kinukuwento ko sa kanya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw sa bahay, hindi ko maiwasang mapangiti. Alam mo yung feeling na kahit paulit-ulit na lang ang kwento ko sa mga kuya ko, sa magulang ko, hindi siya nakakasawang pag-usapan? Ganun kasi ako palagi kapag kasama si Tita Patricia—walang filter, walang hesitation. Sabi nga niya, masaya daw siya para sa akin kasi mukhang mas close na daw kami ng pamilya ko ngayon.
"Alam mo, Tita," simula ko habang tumatawa, "minsan iniisip ko na baka dapat na akong bayaran ng pamilya ko for entertaining them. Talagang kumpleto araw nila kapag ako ang naiistorbo."
Nagtaas siya ng kilay. "Diba dapat ikaw ang nagbabayad for disturbing their peace?"
I grinned. "Eh, sila naman nagsisimula eh! Para silang mga predatory birds, lagi akong pinipikpik para guluhin. Sabi ko nga kay Kuya Luis nung isang araw, 'Kuya, kapag hindi niyo ako iniwan mag-isa, mag-jojowa na ako!' Asar tuloy siya, akala niya seryoso ako."
Tita Patricia chuckled, shaking her head. "Ikaw talaga, Katherine, wag kang nagbibiro nang ganyan, baka sa susunod, mag-expect na si Luis na may ipakilala ka na sa kanila."
Napahagikgik ako. "Tita, joke lang yun! Pero baka nga... hmmm, iniisip ko kung paano gagawin. Siguro mag-hire ako ng kaibigan kong bakla and then mag-pretend na in a relationship kami?"
"Gusto mo bang magka-away?" Tawa siya nang tawa habang humihigop ng juice. "Pero at least, mukhang masaya kayo kahit puro kulitan."
"Yun nga Tita, kaya minsan gusto ko na lang mag-break, as in mag-take ng yearlong vacation—pero hindi ko alam kung saan pupunta para hindi nila ako hanapin!"
"Ano ka, celebrity? Vacation agad?" biro ni Tita Patricia, hindi mapigilang humagalpak.
"Tapos alam mo ba? The other day, muntik na akong masamid kasi tinawag ako ni Kuya Alfonso na 'future mommy Irene.' Kasi manang mana daw ako sa kanya." I laughed, rolling my eyes.
Tita Patricia chuckled, "Ay nako, Katherine, your brothers talaga, walang patawad kahit kailan!"
"Exactly, Tita. Akala ko sila na ang the best, pero na-realize ko, ako pala yun. HAHAHAHA."
We were having such a great time, halos nalimutan ko na lahat ng stress. Pero ayun na, habang nagchichikahan kami, may narinig akong malakas na tawanan mula sa entrance ng restaurant. Pa-intriga akong napalingon, trying not to pay attention at first, pero nung narinig ko ang mga tinig, parang tumigil ang mundo ko.
Mga Inglishera at halatang sosyal kung magsalita.
"Hala!" I gasped, nearly choking on my drink.
"Bakit?" tanong ni Tita Patricia, eyebrows raised.
Napatingin ako kay Tita Patricia, nanginginig na ang mga kamay ko. "Tita, hindi ako pwede magkamali, pero—parang... sila... sila tita Small at tita Dawn yun. At si... Ms. Irene!" Biglang lumamig ang buong katawan ko. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan at parang gusto ko nang mag-disintegrate on the spot. "Oh no. Hindi na nga ako nagpaalam sa kanya, tapos hindi pa ako sumama nung inaya nya ako? Diyos ko, patay ako nito, Tita."
Halos tumawa si Tita Patricia sa panic ko. "Katherine, relax. Hindi ka nila kakainin."
"Tita! Baka nga mas malala pa! Alam mong si Ms. Irene paggalit, parang—parang dragon! Fire-breathing dragon! At ako? Ako yung maliit na lamb na nadapa sa harap niya, naghihintay na matusta."
"Overacting ka naman," tawa ni Tita Patricia. Pero ramdam kong amused siya sa pagka-paranoid ko.
Pero seryoso, hindi ito joke. Narinig ko pa ang mga high-pitched laughs ni Tita Small habang papalapit sila. Alam ko na... alam kong malapit na ang oras ng reckoning. Kaya nagsimula na akong magdasal ng silent prayers. Lord, kung may konting awa ka sa akin, sana bigyan mo ako ng invisibility powers ngayon. Please lang, just this once!
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.