Kapitulo veintinueve

122 8 0
                                    

"Ely?"

Pagmulat ng mga mata ko, unang narinig ko ang deep pero malumanay na boses na tumatawag sa akin.

"Ely... anak, we're home na," sabi ni Sir Greggy, habang bahagyang tinatapik ang balikat ko para magising ako. Nag-blink ako ng ilang beses, sinusubukan i-compose ang sarili. Habang umaayos ako ng upo, naramdaman ko ang lamig ng hangin na tumatama sa mukha ko, tila sinasabi sa akin na nasa ibang lugar na kami. Napatingin ako sa bintana ng kotse, at doon ko narealize—nasa bahay na nila kami.

I blinked again and stretched a bit, ang mga buto ko parang nag-crack softly sa biglang kilos. Medyo nakakahiya, pero it felt relieving. Then I noticed we were parked na sa driveway ng bahay nila Ms. Irene at Sir Greggy. Tahimik ang paligid, parang ang linis ng hangin at malamig na sa harap ng malaking bahay nila.

"We're home," Sir Greggy repeated with a warm smile. Nagtaka ako kung bakit parang tahimik ang buong bahay.

Napatayo ako sa kinauupuan ko, rubbing my eyes softly habang nilalabanan ko pa ang antok. Nang mahimasmasan na ako, nakita kong nakababa na din pala si Ms Irene sa kotse.

"Ms, tulog na tulog po kayo kanina," sabi ko, trying to make light conversation habang inaabot ko sana ang mga gamit ko sa trunk ng kotse. Pero bago ko pa mahawakan ang handle ng bag, pinigilan ako ni Sir Greggy.

"Ako na, anak. Let me handle that. Baka mabinat ka pa," sabi niya, half-smiling pero firm. Ramdam ko ang pagmamalasakit niya sa boses niya, pero nahihiya akong ipadala sa kanya yung gamit ko.

"Kaya ko na po, okay lang po talaga. I can manage," I insisted, pero alam kong hindi siya papayag. Sobrang sweet niya.

"Anak, relax lang. Let your dad handle it. Baka mabinat ka pa," sabat ni Ms. Irene mula sa likod. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa pag-aalala nila, pero may kakaibang pakiramdam akong naramdaman—parang may bagay dito na hindi ko pa tanggap nang buo.

"Oo nga," sabi ni Sir Greggy, natatawa. "Lagot ka sa mommy mo pag hindi ka sumunod. You'll learn fast na we don't win when it's Irene's orders."

"Gregorio, come on. Kunin mo na yung mga gamit ni Ely," sabat ni Ms. Irene, light but commanding, while laughing at the teasing exchange.

"Pero, kaya ko na po talaga. Hindi na kailanga—" pero bago ko pa matapos ang sentence ko, binigyan ako ni Ms. Irene ng isang tingin na parang nagsasabing, "Don't argue."

Alam ko na hindi na ako mananalo kapag gano'n ang tingin niya. Kaya wala na akong nagawa kundi bitawan ang bag at hayaan na lang si Sir Greggy na dalhin ang mga gamit.

"Huwag ka nang matigas ang ulo, Ely," pabirong sabi ni Ms. Irene habang inakbayan niya ako, sabay bigay ng halik sa pisngi ko. "Let's go inside. Para makapagpahinga ka na rin."

We went inside as Sir Greggy obediently got my stuff. As we entered the house, there was this overwhelming sense of space and silence. Napakaganda at napakalinis ng buong bahay—parang out of a magazine spread.

Pero sa kabila ng ganda at kalinisan, parang may malalim na lungkot. Isang tahimik na echo na nagba-bounce sa loob ng bahay. Para itong hangin sa gabi—malamig, pero may halong lungkot. Parang hindi ko pa matanggap nang buo na ito na ang magiging bagong tirahan ko.

"Nasaan po sina Kuya Luis at Kuya Alfonso?" tanong ko habang nililingon ang paligid na parang inaasahan ko na lalabas sila bigla mula sa kung saan.

Natawa si Sir Greggy. "Wala pa sila, anak. They're still at work. Pero mamaya, uuwi na sila. Makakasama mo rin sila sa dinner."

I just nodded, trying to push away the feeling of emptiness that lingered in the back of my mind. "Ah, ganun po ba..."

Habang naglalakad kami sa loob ng bahay, hindi ko maiwasang mapansin ang mga malalaking picture frames na nakasabit sa hallway. I stopped for a second, tumingin ako sa mga larawan—mga family photos nila Ms. Irene, Sir Greggy, at mga kuya ko. The images were beautiful, crisp, and well-taken. Halatang professional shots.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon