Kapitulo treinta y dos

128 6 0
                                    

A week has gone by since Ms. Irene and Sir Greggy took me home, and I have barely had a moment to myself.

Halos ay hindi na ako mag-isa, kasi lagi kong kasama si Ms. Irene. Kapag tinatry kong mapag-isa, bigla nalang siyang sumusulpot, susundan ako kahit saan at kinukulit na para bang ako ang batang nawawala sa mall.

She's like a friendly but clingy shadow, laging nasa tabi ko, trying to cheer me up in her own quirky way. Honestly, it's sweet, pero minsan gusto ko rin naman ng konting space para lang makapag-isip.

Ramdam ko kasi na alam niya—Ms. Irene knows that something's off. Hindi ko man sabihin, nababasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Laging may kakaibang tingin sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin, as if she's waiting for me to break down any minute.

And that's what I hate the most—yung kinakaawaan ako. I know she means well, pero hindi ko kailangan ng awa. Gusto ko lang ng konting tahimik na oras para mapag-isipan ang lahat.

Sobrang hirap itago yung bigat na dinadala ko lately, kahit na usually ay magaling ako mag-pretend. Nararamdaman ko na parang nalulula na ako sa dami ng thoughts na gumugulo sa utak ko, pero anong magagawa ko? Wala naman akong choice kundi magpanggap na okay ako, kasi ayoko rin ng tanong. Ayoko ng malalalim na usapan, at lalo na ayoko ng pity looks.

That's the worst.

Nandito ako ngayon sa sofa, nagiisip-isip habang tumutunog ang electric fan sa tabi ko. Today is the day na magkikita kami ni Tita Patricia. Chinat ko siya kagabi bago ako matulog, asking if pwede kaming mag-meet up para makapag-usap ng masinsinan. Siguro dapat masaya ako na magkakaroon ako ng chance para malaman ang dahilan kung bakit pinili nya rin akong iwan. Pero honestly, I'm not sure if it will help.

Bigla namang sumulpot si Ms. Irene sa tabi ko, like always, parang may built-in radar siya kung nasaan ako.

"Hey baby! What are you doing here alone?" She plopped down next to me, inakbayan ako at parang hinila na parang teddy bear. Hiniga pa niya ang ulo ko sa balikat niya as if to say, "Dito ka lang."

"Wala naman po," sagot ko, trying to sound casual, pero obvious na nakapako sa malayo ang mga mata ko.

"Are you going to do something mamaya?" she asked habang hinihimas himas ang braso ko, parang nanay na nagpapakalma sa isang batang nag-aalboroto.

"Wala naman po. Bakit po?" tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta 'tong usapan na 'to.

"Do you want to come with me? I'm going to meet up with Dawn, Small, Anna, Michelle, and the others. I think they're going to bring their children. So ano, sama ka kay mommy?" Tanong nya sa akin, with matching puppy dog eyes pa. Alam kong hindi siya titigil hanggang hindi ako sumasagot na pumapayag ako na sumama.

"Hm, huwag na lang po." Medyo nagsisinungaling ako, pero I tried to sound nonchalant. "Tinatamad po kasi akong lumabas ngayon. Mas gusto ko po sa bahay ako today."

Hindi ko sinabi na may lakad ako mamaya with Tita Patricia. Ayoko nang magtanong si Ms. Irene. Hindi naman na kailangan niyang malaman ang tungkol sa usapan namin. The last thing I need is for her to worry more.

"Are you sure? Eh 'di dito na lang din ako. Sasamahan kita." Nagtampo pa talaga, parang teenager na gustong gumala pero sabay withdraw na 'pag hindi siya sinamahan ng kaibigan. Cute siya, pero medyo nakakaguilty.

"Nako, huwag na po!" Tumayo ako at tinapat siya, waving my hands para ipilit na okay lang ako mag-isa. "Pumunta na po kayo sa lakad niyo, I will be fine here."

"Pero you're going to be alone," she said, now with a full-on pout. Parang baby na hindi nakakuha ng lollipop sa tindahan. Ang hirap naman magpaliwanag sa kanya na kaya ko na mag-isa, even for just a couple of hours.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon