Kapitulo veintiuno

136 8 2
                                    

"Erine? Could you do me a last favor?" mahina pero malinaw na tanong ni Lola.

Ang bawat salitang binibitawan niya ay tila may kakaibang bigat, isang pangakong hindi ko maaaring balewalain. Nakahiga siya sa ospital bed, nakasuot pa rin ng puting gown na parang nagsisilbing paalala ng lahat ng pinagdaanan niya. Maputla ang mukha, at halos hindi ko makita ang dati'y masayahing ngiti na palaging nasa kanyang mga labi. Pero kahit ganoon, may kakaibang liwanag pa rin sa kanyang mga mata, isang liwanag na nagpapaalala sa akin ng mga araw na lagi kaming magkasama sa bahay. Mga araw na normal lang ang lahat.

Napatingin ako sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Ano po yun, nonna?" tanong ko, agad akong bumangon mula sa pagkakaupo, pakiramdam ko'y may kailangang gawin, at handa akong gawin iyon kahit ano pa man.

Ngumiti siya nang bahagya, isang ngiti na parang gusto kong yakapin. "Could you go out to buy food?" Naging seryoso ang boses niya, pero hindi nagbago ang tono—banayad, parang hinihiling lang niya na bumili ako ng pandesal para sa almusal.

"Pagkain?" Napakunot ang noo ko. "Nakakain na po kaming lahat, Lola." Alam ko na kanina lang ay naglunch kaming lahat, kasama sina Tita Patricia, Ms. Irene, Sir Greggy at tita Elvira.

Hindi siya halos kumain, pero sinubukan ko pa ring kumbinsihin siya kanina na kumain kahit kaunti, ngunit tumanggi siya. Kaya't sa mga oras na ito, nagtataka ako.

"Para sa akin sana," mahinang sagot niya, may kasamang paghinga na tila hirap na hirap.

"Talaga po ba?" Napatigil ako, sinusubukan basahin ang bawat detalye sa kanyang mukha, naghahanap ng pahiwatig kung bakit bigla siyang nagtanong ng ganito. Tumango lang siya nang dahan-dahan, at doon ko napagtanto na seryoso siya.

"Ano pong gusto nyo, Lola?" tanong ko, nais kong mapangiti siya kahit papaano.

"Mga paborito ko, apo," sagot niya nang may kunting hirap.

Nagulat ako. "Eh, lugi naman ako, Lola! Lahat yata ng pagkain paborito nyo. Baka bukas pa ako makabalik niyan kung bibilhin ko lahat!" biro ko, sinusubukang pagaanin ang usapan kahit parang may mabigat na alon na dumadaan sa loob ko. Pero ang mga biro ko, hindi kayang palambutin ang nararamdaman kong takot.

Ngumiti siya nang konti, ang ngiting matagal kong hindi nakita sa kanya. "Silly kahit kailan. Ikaw na ang bahala, pumili ka na lang sa mga paborito ko, okay?"

Agad kong napansin ang kakaibang lungkot sa likod ng kanyang mga mata. Parang may sinasabi siya nang hindi niya binabanggit nang diretso. Pero tumango ako, pinilit kong hindi pansinin ang bigat na iyon. "Sige po, Lola. Bibilhan ko kayo ng masarap. Mag-pahinga muna kayo ha? I love you."

"I love you too, apo," sagot niya, at tila ba may kakaibang lambing at sakit sa bawat salita niya. Hindi ko maintindihan, pero parang may isang bagay na gustong bumalikwas mula sa dibdib ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko sina Tita Patricia, Ms. Irene, at Sir Greggy na nag-uusap. Gusto akong samahan ni Ms. Irene, pero tumanggi ako, sinabi kong kaya ko na mag-isa. Tumango siya at tinanggap ang desisyon ko.

Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong gawin ito, para kay Lola. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka gusto ni Lola na ako lang ang mag-asikaso ng paborito niyang pagkain—isang hiling na para bang huling pagsubok para sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa labasan ng ospital, may narinig akong dalawang nurse na nag-uusap hindi kalayuan sa akin. Hindi ko gustong makinig, pero parang sinasadya ng pagkakataon na marinig ko ang bawat salita nila.

"Narinig mo ba? Maghanda ka na. May matandang pasyente na may cancer tapos ipapahugot na daw yung mga plug ng machine na nagbibigay ng lakas sa kanya," sabi ng isa.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon