Kapitulo veinticuatro

120 8 0
                                    

continuation...

"Those words struck me, Nonna. I didn't forget them," bulong ko, halos parang ako lang ang kausap ko sa mga oras na iyon. "I hugged you tight that night, hoping that it would never be the last time. Pero ngayon, eto na tayo. And unfortunately, the idea that you're no longer here... it's destroying me."

Napatigil ulit ako. Inangat ko sandali ang aking ulo, pilit na pinipigilan ang mga luhang namumuo na sa mata ko. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ako pwedeng magpaka-broken dito. Pero hindi ko na kayang pigilan ang kirot na unti-unting sumisikip sa dibdib ko.

"Nonna..." halos bulong na lang ang boses ko. "Tears prevent me from continuing, but I want to write you one more thing: I am happy to have known you. Because you... you taught me something no one else could. You taught me how to love deeply, how to live deeply. You taught me that it's okay to feel lost sometimes, but we should never stop looking for meaning."

Nag-pause ako, pinilit kong tapusin ang sulat kahit parang sinasakal ako ng mga salita. Ramdam ko na lahat ng tao sa paligid ko nakatingin lang, walang gumagalaw, walang tunog.

"Thank you for raising me as a strong woman." patuloy ko, "Thank you for making all those sacrifices, for providing for my needs and wants, and for always being there for me. Thank you for being the best grandmother."

"I know that your love and wisdom will forever guide me. Thank you for everything. If I have only one friend left in this world, I want it to be you. You are my rock, my hero, and my best friend. I love you more than words can say. "

Mabilis kong pinunasan ang mata ko, pero patuloy lang sa pagtulo ang luha. Hindi ko na kayang itago ang sakit. Hindi na kaya ng katawan ko, ng isip ko. Pilit kong tinapos ang sulat, kahit parang hinihila ako pababa ng mga salita.

"May we meet again someday," sabi ko, mas malakas, pero ramdam mo yung pagkaputol ng boses ko sa dulo. "May the earth rest lightly upon you, Nonna."

Nang matapos ko na ang huling salita, mabilis akong pumunta sa kinauupuan ko kani-kanina lang, hindi ko na kayang magtagal sa harap ng kabaong. Hindi ko kayang tumingin ulit sa mukha ni Nonna at isipin na tapos na ang lahat. Naramdaman ko yung yakap ng isang tao, si Tita Patricia, pero hindi ko na maalala kung anong sinabi niya. Ang bigat na ng katawan ko. Yung buong facade na matatag ako, na kaya ko, parang biglang bumagsak.

Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi nung gabing iyon. Pagkatapos ng eulogy, parang wala na akong ibang narinig o nakita. Nakaupo lang ako sa gilid ng chapel habang dumadaan ang mga tao, isa-isa nilang binibigyan ng pakikiramay si Tita Patricia at ang ibang kamag-anak. Ako, naroon lang, pero parang wala.

Ang ingay ng paligid pero ang isip ko, parang naka-focus sa isang bagay—sa alaala ni Nonna. Sa mga oras na magkasama kami, sa mga huling sandali bago siya nawala. At habang lumalalim ang gabi, habang lumalapit ang katapusan ng lamay, hindi ko maiwasang isipin: Paano ako magpapatuloy? Paano ko haharapin ang buhay nang wala si Nonna?

Alam kong hindi pa ito ang katapusan ng lahat ng sakit. Alam kong bukas, sa mismong araw ng libing, mas magiging totoo na ang lahat. Pero ngayong gabi, habang nakakulong ako sa mga iniisip ko, pakiramdam ko nag-fade na ang lahat ng kulay ng mundo. At wala nang naiwan, kundi ang alaala ni Nonna, at ang lungkot na hindi ko kayang takasan.




"Katherine! Hija, gising na. Ma-lalate na tayo!" sigaw ni Manang Rose mula sa labas ng pintuan ko. Ang tunog ng kanyang malakas na katok ay parang sirang plaka na hindi tumitigil.

Shet naman oh! Late na ako.

Parang bumangon ang buong mundo habang tinamaan ako ng katotohanan na late na ako. Tiningnan ko ang orasan sa phone ko, at halos mapamura ako sa sobrang pagkabigla. Kulang na lang magpatawag ng helicopter para makarating ako agad!

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon