Huling linggo na ng summer, kaya sinusulit ko na ang bawat segundo ng pagiging tamad at walang ginagawa. Naka-dead fish position ako sa couch, nakasalampak na parang gulay, habang walang habas akong nag-i-scroll sa phone.
Seryoso, parang may spell na casted sa akin, at hindi ko mapigilan ang pag-scroll.
Parang automatic na lang 'yung daliri ko—minsan nagla-like, minsan nagre-reply sa mga chat, pero madalas, nakatanga lang ako, naka-focus sa walang katapusang feed ng memes at TikTok videos.
Ito na ang peak ng pagiging tambay sa bahay.
Biglang sumulpot si mommy sa tabi ko, tumabi ng walang pasabi. Napasulyap ako sa kanya, at halata sa mukha niya 'yung dismayado look na parang nagtataka kung anak ba niya talaga ako o nahulugang alien.
"Ay naku, Ely. You're always on your phone! You have to enjoy your last week of summer before school starts." Reklamo niya, sabay hawi sa buhok ko na medyo sabog na dahil sa pag-ikot-ikot ko sa couch.
Nagbigay ako ng napakabigat na sigh—yung tipong dinig sa kabilang baryo. "Naghahanap nga po ako ng magagawa, eh," sabi ko, sabay patay ng phone ko na parang gustong magpahinga na rin. "Pero wala talagang interesting."
Napakunot-noo si mommy. "Want to do something with me?" tanong niya, na may halong intrigue at konting pep talk vibes.
"Ano po yun?" tanong ko, sabay hagod ng buhok ko, pilit na iniisip kung may chance bang makalusot sa alok niya. Pero bago pa ako makaisip ng excuse, bigla ko na lang nasabi, "Sige."
Mommy's face lit up like Christmas tree lights. "Let's go to the backyard! Tuturuan kita magtanim. Let's do some planting!" Napakamasigla niyang sabi na parang tinawag akong sumali sa isang secret mission.
Nagliwanag ang mga mata ko. Never ko pa kasi talagang nasubukang magtanim. Parang cool 'yun, kahit pa sobrang init. "Sige po! Tara na!" sabi ko, mas excited pa kaysa sa kanya.
Parang nakakatuwa naman, kahit alam kong may possibility na tamarin ako halfway.
Pagdating namin sa backyard, parang hinampas ako ng init ng araw. Akala mo naman mag-picnic kami sa Sahara Desert. Diretso ang sikat ng araw, walang ka-shade-shade. Nagmamasid ako sa paligid—'yung garden namin, in fairness, ang ganda. May mga bulaklak, puno, at damo na mukhang concert venue ng mga insekto. Pero hindi ko ma-enjoy kasi para akong tinutunaw ng sun rays.
"Mom, ang init pala dito! Parang ayoko na mag-planting," reklamo ko habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko. Parang instant sauna, walang exaggeration.
"Ay naku, Ely! This is it! Time to unleash your inner plantita!" Excited pa rin si mommy, kahit parang niluluto na kami ng araw. She was wearing this oversized shirt na may mga maliit na bulaklak print. Mukha talaga siyang certified plantita in uniform. Hawak niya 'yung maliit na shovel na parang espada sa isang fantasy movie.
Feeling ko bigla, nasa isang battle kami.
Ako versus the heat, and mommy versus my laziness.
"Mommy, seryoso ka ba? Para kang nagpapa-exam sa sobrang seryoso mo." sabi ko habang tumatawa, pero sa totoo lang, medyo na-intriga na ako. Pero pag tumingin ka sa shovel niya, parang ready siyang ipanglaban 'yun sa sinumang mag-disrespect sa mga halaman niya.
"Ugh, Ely, don't be such a drama queen! Gardening is an art! It's about nurturing life, not just planting seeds, okay?" she declared like a true sensei. Kung sa anime pa 'to, may mga dramatic sparkles sa paligid niya.
Napatingin ako sa mga gardening tools—parang napaka-seryoso ng mga paso, mga seedlings, at mga shovels. Parang nag-aabang lang sa akin na gumawa ng milagro.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.