"Ely... Wake up na."
"Hey... Erine gising na."
"Baby, wake up na please. You have to prepare and eat pa."
Naalimpungatan ako sa mga sunod sunod na pag-tawag sa akin, pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata kasi inaantok pa ako.
"Hmm... tita five minutes." wika ko at mahigpit na niyakap ang unan na nasa kaliwa ko.
Nakarinig ako ng mga mahihinang pag tawa sa magkabilaan ko kaya iminulat ko na ang aking mga mata para tignan kung sino yung mga tumatawa.
"Shocks... Ms. sorry. Kayo po pala yan, akala ko po kasi unan." pag-hingi ko ng tawad kay Ms. Irene, paano ba naman kasi I thought unan yung niyayakap ko, si Ms na pala - nakapatong pa yung ulo ko sa dibdib nya. Si Sir Greggy naman ang nasa right side ko, nahuli ko pa nga syang pinipicturan kami ni Ms. nang maimulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanyang gawi.
"Hey, you're gising na. Good morning sweetheart." ngumiti lang ako sa sinabi ni Ms - akmang hahalikan pa nya ako pero umiwas ako at tinakpan ang aking bibig, kita ko naman ang dismaya sa kanyang mga mata kaya nagsalita ako habang nanatili ang kamay ko sa bibig ko.
"Good morning po. Huwag nyo po muna ako ikiss... hindi pa po kasi ako nakakapag-toothbrush."
"Silly as always. It's okay babe." this time ay ngumiti na sya at hinalikan ako sa noo, ginaya din naman sya si Sir Greggy.
"Go prepare yourself na. We will eat breakfast lang and pupunta na tayo sa San Juan."
Tumango nalang ako at mabilis na nagpunta sa aking silid.
Paano ba kasi ako napunta sa kwarto nila- ay oo nga pala si Sir nga pala ang nagdala sa akin dun. Kung bumangon sana ako kagabi eh di sana hindi ako mabubuhat hanggang sa kwarto nila.
Ugh- ang tanga tanga lang Katherine.
*Ding *Ding
Rinig kong ingay ng cellphone ko, sign na may nag-chat sa akin.
Napatawa nalang ako sa kalokohan ko at nagsend nalang ng picture nang kung anong susuotin ko.
Naka-grey trousers at white short sleeves na shirt, ang tanging accessories ko lang ay isang black belt at yung gold necklace ko na may crescent moon.
"Good morning po." bati ko sa mga tao dito sa kusina pagkadating ko, lahat sila ay nandito na. Ako nalang pala ang kulang.
Ako nalang pala ang kulang at hinihintay.
Napansin ko naman ang suot ni Ms at kita kong magkaparehas kami ng outfit kasi tumayo sya at kumuha ng maiinom "Uy! Matchy tayo Ms." excited kong wika, nakita ko naman na bahagya syang napangiti.
"Lahat na ata namana mo kay mommy bunso." singit ni kuya Alfonso habang kumukuha ng pagkain.
"Yeah right. Great minds think alike kasi." nag smirk pa ako and I pointed my finger towards him, implying an inside joke.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.