Kapitulo quince

130 6 8
                                    

Katherine's POV

Ang sarap ng hangin dito sa Batangas. Ang sarap ng pagkain. Ang saya ng mga tao. Pero heto na ang malungkot na part—aalis na si Lola at si Tita Patricia.

Sayang hindi kami makakapag bonding ng bonggang bongga!

May trabaho pa kasi si tita at si nonna naman ay pagod na daw makipag-halubilo kaya gusto ng bumalik ng Makati. Ubos na ata ang social batteries.

"Erine, alis na kami ha?" sabi ni Tita habang nakapamewang, naghihintay sa akin na bumaba mula sa hotel room. "Si mommy, inihabilin ka na kay Irene. Kaya wag ka nang mag-inarte d'yan."

"Opo, tita," sagot ko habang bumababa ng hagdan. Si Lola naman, tahimik lang sa tabi ni Tita, mukhang pagod na pagod. Siguro dahil sa dami ng na-chika niya sa mga amigas kanina.

"Nonna, sure kayo na okay lang? Pwede naman na umuwi na lang din ako. Di ko naman kailangan mag-stay dito."

"Ay naku, hija," sagot ni nonna na may halong ngiti pero kita mo yung pagod sa mukha niya.

"Mag-enjoy ka na muna d'yan sa mga kaibigan mo. Bata ka pa, enjoyin mo ang buhay. Kami ni Patricia, masyado nang matanda para sa mga ganitong get-together."

"Nakuu, drama mo Lola! Bagay na bagay pa nga kayo sa mga reunion e. Pero sige, I'll stay. Mag-iingat kayo sa biyahe, ha?"

Niyakap ko si Lola nang mahigpit bago siya pumasok sa kotse. Si Tita naman, parang walang paki, pero alam kong ganun lang talaga siya. She cares, in her own tough-love way.

"Erine" seryoso bigla ni Tita. "Pabayaan mo na kami ni Mommy. Mag-enjoy ka dito, okay?"

"Opo, Tita." Napangiti na lang ako at kinawayan sila habang unti-unti nang umaandar ang kotse. Wala na silang ibang sasabihin, tapos na ang briefing. Nakahabilin na ako kay Ms. Kaya, sige na nga, mag-e-enjoy daw ako. Let's see about that.

Nang makaalis na sila, napaisip ako—ibig sabihin,  solo na ako dito sa hotel room.

Yehey!

Ayon kay nonna at tita, ay pinapabantay lang ako kina Ms. pero wala naman silang sinabi na kailangan kong makitulog sa kwarto nila. Ano ako bata?

"Sir Greggy, Ms Irene, kaya ko na sarili ko noh! Hindi na ako bata!" reklamo ko habang tinutulak ang maleta ko papasok sa kwarto nila.

Pinilit nila akong mag-stay kasama sila.

"Excuse me, Miss Independent," sabi ni Ms na nakangisi habang inaayos ang kama sa sulok.

"Habang nandito ka, kasama mo kami. Baka bigla kang malunod d'yan sa gabi, sino ang bubuhat sayo?"

Ang OA ha! Hindi naman ako mag fe-feeling sirena pag gabi.

"Nakakaloka kayo," I rolled my eyes, pero alam kong walang laban ang protesta ko. Pero sinubukan ko pa rin.

"Hindi ako mawawala 'pag lumabas ako ng kwarto ng hotel. P'wedeng mag-swimming ako nang mag-isa o mag-soul searching sa beach, pero di naman ako mag-di-disappear like some character in a murder mystery." I continued.

Tumingin sa akin si Sir Greggy, nakangiti pero may halong pang-aasar. "Soul searching? Anak, it's not a teleserye."

Nagtawanan silang dalawa habang ako naman ay nagtapon ng isang playfully annoyed na tingin.

"Basta," sabi ko, crossing my arms over my chest, "kaya ko na sarili ko."

"Aba, may rebellion phase?" Nagtaas ng kilay si Ms Irene, sabay lapit sa akin.

"Hindi ka nga mawawala, pero ano? Pag nagka-cramps ka sa swimming, tatawag ka ng Coast Guard? O 'pag may gumapang na malaking ipis sa sahig, sasabihin mong 'I'm an independent woman, kaya ko 'to!'"

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon