Kapitulo cuarenta y cinco

190 12 3
                                    

Katherine's POV

"Pssst."

Walang sagot.

"Hey."

Tahimik pa rin.

"Mom."

Nakakunot ang noo ko, nakatayo ako sa likod ni mommy habang busy siyang nagta-type sa computer. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, pero sigurado akong kanina pa ako nagsasalita at hindi niya man lang ako nililingon. Sinubukan ko ulit.

"Mommy."

Deadma. Grabe, sobrang focus niya. Naramdaman ko na nag-init na ang pisngi ko sa pagka-badtrip.

"Mama."

Tsk, wala pa rin. Okay, game face on. Pinalabas ko na ang heavy artillery.

"Nanay."

Wala pa rin.

"Ina."

Still nothing.

Sumimangot ako, nag-isip pa ng bagong strategy.

"Ms. Irene."

Biglang natigil si mommy sa pag-type. Slowly, bumaling siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"What did you just call me?" tanong niya, nakataas ang isang kilay, buti naman at napansin na ako.

"Ms. Irene," sagot ko, with all the confidence I could muster, nakangisi pa.

Umismid siya. "Come again?" tanong nya, making sure kung tama bang narinig niya o hindi.

"Ms. Irene po," inulit ko, mas confident pa ngayon, sabay ngiti. Sa sobrang tagal niyang hindi ako pinansin, naisip ko nang mapagtripan na lang siya. Alam kong ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang ganun. At tuwang-tuwa ako sa pang-iinis na 'to.

"Ms. Irene pala ha? Okay, hindi kita papayagan sa kung ano man 'yang ipapaalam mo," sabi niya, sinarado bigla ang laptop niya nang may diin, na parang ready na siyang tumayo at umalis para takasan ang mga susunod kong sasabihin.

Napangiti ako nang palihim. Successful prank! Pero syempre, kailangan ko mag-drama ng kaunti.

Alam ko namang mahina ang defenses ni mommy kapag sinasagad ko 'yung pang-aasar at sinusundan ko ng paawa effect.

"Eh Ms. naman kasi! Kanina pa kitang tinatawag pero wala ka man lang sagot! Seryoso ako dito!" sabi ko, pa-inis kunwari, sabay pouting pa para dagdag effort.

Umiwas siya ng tingin at umirap nang konti. Aba, nagmamaldita si mommy!

"Please na po..." dagdag ko, tonong nagpapacute.

"Hindi pa nga ako nakakapagpaalam, pero hindi ka na agad payag! Unfair!" reklamo ko pa. Sobrang close na ang mukha ko sa kanya, at alam kong napapagod na siya sa pangungulit ko.

"Paano mo muna ako tatawagin?" tanong niya sa akin, huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

Tumawa ako nang bahagya at nagkibit-balikat, sinasabayan pa rin ng konting pang-aasar.

"Bahala ka, my answer is no," diretsong sabi niya, tapos tumayo na siya para maglakad palayo.

Bigla kong sinundan at niyakap siya ng patagilid. "Mooooooommy," sabi ko, dragging out the word, halata namang nagpapa-cute.

"Please. Please. Please, Mabilis lang naman 'to.  You won't even notice I'm gone!" mabilis kong sabi, umaasang papayag siya sa request ko.

"What is it ba?" tanong niya, pero halatang hindi pa rin impressed sa mga kakulitan ko. Pero hindi ako bibitaw, naka-yakap pa rin ako sa braso niya.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon