Habang nakaupo ako sa hospital bed, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa knowing na makakaalis na ako mamaya. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal-tagal ng isang araw ko dito, kahit technically one day lang naman ako naconfine. Pero sa totoo lang, sanay naman akong hindi natutulog ng maayos.
Such an ironic situation—dito ako naconfine para magpahinga pero ang totoo, hirap akong makatulog dahil sa ingay ng mga nag-aalala at ang kaluskos ng hospital. Parang concert ng lahat ng naririnig ko.
"Makakalaya na raw ako mamaya," sabi ko kina Mackie at Zia nang makapasok sila sa kwarto. Halatang excited sila, pero hindi nila pinapalampas ang chance na asarin ako kahit pa may sugat ako sa braso.
"Para ka namang nakulong, babae ka!" sabay hampas ni Mackie sa braso kong may sugat. Napahiyaw ako sa sakit, "Aray naman! Ba't ang lakas?!" Napatigil si Ms. Irene sa pagbabasa ng magazine at agad tumayo para suwayin si Mackie.
"Hey Mackie, dahan-dahan," sabi ni Ms. Irene, ang mukha niya puno ng concern habang pinapaalala kay Mackie na hindi ako superhero. Si Mackie naman, nagpeace sign lang at sabay tawanan silang dalawa ni Zia. Loka-loka talaga.
Naglatag si Zia ng takeout food sa mesa. "Erine, here's Jollibee oh! You should eat more. Nagiging malnourished ka na eh!" Nag-smirk pa na parang siya ang pinaka-healthy na tao sa mundo.
"Uy, hindi naman! Diet lang," sabi ko, defensive. Bigla namang umakmang kukurutin ako ni Mackie sa tagiliran pero mabilis akong umiwas. Reflexes.
"Oh! Nakakarami ka na ha!" sabay titig ko kay Mackie.
Tumingin naman si Ms. Irene sa akin na parang mommy bear na nagaalaga ng cub niya. "Hey babes. Huwag kang masyadong malikot, baka mabinat ka," sabi niya, as if naman may nagawa akong sobrang strenuous. Hindi ko na lang kinontra, kasi ayoko namang pag-alalahanin pa siya.
Naupo na sina Mackie at Zia sa tabi ng kama, parang mga batang dumalaw sa park. Si Mackie naman, hindi pa tapos sa pang-aasar. "Oh Captain, huwag ka daw malikot sabi ng mommy mo," sabi niya habang kumikindat pa. "Alagang-alaga ka na ah! Siguro naman hindi mo na mapapabayaan ang sarili mo," dagdag pa niya, halatang may meaning ang sinasabi.
"As if naman," sagot ko, sabay abot sa Jollibee. Kaso, hindi pa ako nakakaabot, nagsalita na si Ms. Irene ulit.
"What are you doing?" tanong niya.
"Kakain po. Bakit, gusto nyo rin po ba?" nagbiro ako, pero mukhang hindi siya natuwa sa aking sarcasm. Akala ko tapos na ang usapan pero may pasabog pa pala siya.
"Just stay still. Ako na. Susubuan na lang kita, anak," sabi niya, all serious.
WHAT? Susubuan?! Ako? Hindi naman ako bata!
Agad akong umiling, feeling awkward at medyo nahihiya, lalo na dahil nasa harap ko si Mackie at Zia. "Huwag na po! Hindi naman po ako baldado!" sagot ko, trying to laugh it off. Pero si Ms. Irene, seryoso pa rin.
"So what? You're my baby, kaya I should be taking care of you," sagot niya, with a straight face pa rin. Grabe, ito na ba ang bagong role ko? Baby Katherine?
"Ms. huwag na po, nakakahiya," sabi ko ulit, feeling the heat rise sa mukha ko. Alam kong tinutukso ako ni Mackie at Zia, hindi pa man sila nagsasalita pero rinig ko na sa tawa nila.
"Erine! You're namumula! HAHAHAHA!" hirit pa ni Zia. Gagang to. Parang lalo tuloy akong nainitan, kaya pasimple ko silang pinakyuhan sa ilalim ng mesa. Baka kasi mapagalitan pa ako ni Ms. Irene kung sakaling makita niya ang ginawa ko.
Pinili ko na lang kumain quietly, kahit ramdam ko ang mga mata nila Mackie at Zia na nakatitig sa akin, naghihintay ng susunod na drama. Ang awkward! Feeling ko tuloy, parang ako yung bida sa telenovela na may overprotective mom at dalawang best friends na walang sawang tumatawa sa mga cringe moments ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.