Kapitulo diecisiete

137 10 3
                                    

Katherine's POV

Pagkaraan ng ilang oras ng tahimik na pagbabantay, naramdaman kong bumukas ang pinto. Si Tita Patricia. Napansin ko ang mabigat niyang hakbang, pero hindi ako bumaling para tingnan siya. Alam kong sinusubukan niyang magbigay ng lakas ng loob, pero parang wala na akong mahanap na lakas sa sarili ko para kausapin pa siya.

"Tita, kung gusto niyo po, pwede kayong magpahinga sa lounge," bulong ko nang hindi lumilingon. Hirap na akong magtagal pa sa ganitong usapan.

Pero sa halip na lumabas o umalis, lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Nakakairita. Gusto ko ng katahimikan, pero wala rin akong lakas para sabihin iyon.

"Katherine, alam kong galit ka pa rin sa amin," sabi niya, dahan-dahang hinawakan ang balikat ko. Alam kong totoo yun, pero hindi ko magawang sabihin.

Hindi ako sumagot. Ayoko munang magsalita. May pumasok ulit sa isip ko: ang mga gabing nasa bahay lang kami ni Lola, nagkukulitan habang kumakain ng halo-halong prutas at gulay na pinipilit niyang ipakain sa akin. Naalala ko pa yung oras na sinubukan niya akong turuan kung paano magluto ng sinigang, kahit na tumatawa lang ako dahil nababasa ako ng sabaw habang naglalagay siya ng mga gulay.

"Naalala ko nung una kang dinala dito ni Lola mo para magpacheck up," patuloy ni Tita Patricia, na tila nagbabakasakali na masimulan ang usapan. "Sobrang excited siya, pinagmamalaki ka pa sa lahat ng nurse at doktor dito na parang apo niyang prinsesa."

"Eh, apo niya nga ako," sagot ko ng mahina, pilit na ngumingiti kahit pakiramdam ko ay bibigay ako anumang oras. Kahit paano, gusto kong sumabay sa alaala.

"Dati, si Mommy Emma ang bantay mo dito," tuloy niya, parang sinasabayan ang ritmo ng pagtahimik ng kwarto. "Ngayon, ikaw naman ang nagbabantay sa kanya."

Parang may kumurot sa dibdib ko. Oo nga pala. Ako na.

Nakatingin pa rin ako kay Lola habang binabantayan ang bawat paghinga niya. Hindi ko maiwasang maalala yung huling pagkakataong nagpunta kami sa mall. Simple lang ang araw na iyon—hindi kami bumili ng kahit ano. Pero mahalaga iyon sa akin. Simple lang, pero masaya.

"Ely" mahina pero pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa pintuan. Si Sir Greggy iyon, kasama si Ms. Irene. Nakita ko ang bigat sa kanilang mga mata, parang sila rin ay hindi handa sa ganitong sitwasyon.

"Anak, we brought you food" sabi ni Ms. Irene, na parang sinusubukan akong suyuin na kumain. "Baka you're hungry na."

Hindi ko sila magawang tingnan ng diretso.

"Hindi po ako gutom," simpleng tugon ko, binaling ang mga mata sa kamay ni Lola. Hindi ako makaalis sa tabi niya.

"Ely, you need to take care of yourself also." dagdag ni Sir Greggy, pilit na tinutulak ang isang plato ng pagkain sa akin. "Paano kung magkasakit ka rin?"

Sana nga. So I will never suffer again in this cruel world pag namatay na ako.

"Lola ko ang inaalagaan ko dito. Siya ang may sakit" sagot ko nang biglang umakyat ang tono ng boses ko. "Hindi po ako. Kaya please, hayaan niyo na lang akong gawin ito."

Nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata, pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong nag-aalala sila, pero hindi iyon sapat para sa akin ngayon. Hindi sapat ang pagiging concerned lang.

Naaalala ko yung huling pagkakataon na magkasama kami ni Lola sa mall. Dinala niya ako sa paborito niyang tindahan ng organic products. Napaka-excited niya habang tinitingnan yung mga gulay na hindi ko man lang kilala. Tinuturo niya bawat isa, parang nagbibigay ng lecture habang ako naman, nagtataka kung bakit gustung-gusto niya ang mga ito.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon