Kapitulo veintisiete

149 9 0
                                    

Katherine's POV

Pagmulat ko ng mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Naramdaman ko ang bigat ng katawan ko, parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ko, at walang lakas para gumalaw. Ilang minuto akong nakatulala, inaalam kung saan ako naroroon, kung paano ako nakarating dito, at kung bakit parang napakatagal ng mga oras.

Dahan-dahan akong lumingon. May mga taong nakapaligid sa akin, lahat sila tahimik, may mga matang nag-aalala at may mga labi na tila gustong magsalita pero hindi alam kung paano sisimulan. Yung unang nagising ako, akala ko tapos na. Tapos na ang lahat. Na nakuha ko na 'yung inaasam kong katahimikan. Pero mali ako.

"Baby, are you okay?" tanong ni Ms. Irene, sa malumanay na boses na may halong takot.

Nag-blink ako ng ilang beses. Hindi pa buo ang mga alaala ko, pero nararamdaman ko yung bigat sa dibdib ko. Para bang kahit gusto kong sumagot, wala akong mahanap na boses.

Nang makapag-ipon na ng sapat na lakas, mahina akong nagsalita.

"Ano pong nangyari?" tanong ko, ramdam ko ang panginginig sa boses ko. Hindi ko pa rin matipon ang mga alaala ng mga huling oras. Pero may isang bagay na malinaw sa akin: may nangyaring masama.

"Okay ka na ba?" tanong ulit ni Ms. Irene, this time mas halata ang takot sa tono niya.

Ako? Okay? Napangiti ako sa loob-loob ko, pero alam kong hindi iyon makikita sa mukha ko. Ano ba ang ibig sabihin ng okay? Paano ko sasagutin ang tanong na iyon kung hindi ko na rin alam kung paano ba maging okay? Ang bigat sa dibdib ko ay parang hindi naaalis kahit pa ilang beses akong huminga ng malalim.

"Ely, nawalan ka ng malay," sabi ni Sir Greggy, na para bang ini-explain niya kung ano ang simpleng nangyari. Pero alam ko. Hindi lang simpleng "nawalan ako ng malay."

Napahawak ako sa ulo ko, hinimas ito ng konti dahil may kaunting sakit. Pero napatigil ako. Napansin kong hindi na yung itim na longsleeve shirt ang suot ko. Sa halip, may mga benda ang mga braso ko.

Ang mga sugat ko.

Napatingin ako sa mga braso ko ng mas matagal, at nakita kong may mga bahid pa ng dugo, tanda na hindi pa naghihilom ang mga laslas. Hindi ko alam kung paano, pero may kung anong kumurot sa puso ko sa simpleng bagay na iyon. Para bang nahuli ako sa akto, sa ginawa kong pagtatago.

Pagtingin ko sa paligid, lahat ng mata ay nakatingin sa akin, at hindi ko alam kung paano tatanggapin yung mga tingin nila. Malungkot, naguguluhan, parang hindi nila alam kung paano haharapin ang sitwasyon na nasa harapan nila.

Lalo na si Ms. Irene—ang mga mata niya, puno ng sakit at takot.

Then, I heard it. Mga mahihinang hikbi mula kay Ms. Irene. Napatingin ulit ako sa kanya.

Bakit siya umiiyak? Nakita niya ba ang mga sugat ko? Oh God. Hindi pwede. Hindi nila dapat malaman. Bakit ba kasi ako nawalan ng malay? Bakit ba kasi ang tanga tang ko? Dapat hindi ako naging mahina. Hindi dapat nila ito makita.

"M-maiiwan muna namin kayo para makapag-usap," sabi ni Tita Imee, at tumayo siya, kasama ang mga pinsan ko, mga tita't tito, lahat sila lumabas ng kwarto nang walang salita.

Tahimik.

Ngayon, kami na lang ni Ms. Irene at Sir Greggy ang naiwan sa hospital room. Dinig na dinig ko ang tunog ng mga makina sa paligid, ang unti-unting paghinga ng katawan ko na parang kinokontrol ng kung anong mas malakas na puwersa.

"Baby..." umpisa ni Ms. Irene. Nilapitan niya ako at niyakap ako ng mahigpit, na para bang kung bibitawan niya ako, mawawala ako sa kanya.

Tinignan ko si Sir Greggy. Hindi siya nagsalita, pero tumango siya at ngumiti ng malungkot. Hindi ko alam kung paano sila titingnan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon