"CLASS DISMISSED"
Nairaos namin yung reporting kahit hindi naman perpekto, nakahinga na rin ako ng maluwag.Sa wakas! natapos din, phew! Lumabas ako ng classroom para sana pumunta sa canteen nang makita ko si Louise na malayo ang tingin sa mga ulap at mukhang malalim din ang iniisip.
Nilapitan ko siya nang bigla siyang mag salita "Mark? umulan ba nung mga nakaraang araw?" tumayo ako sa tabi ni Louise at nag isip muna saglit kung umulan nga ba nung mga nakaraang araw.
"hm... hindi naman, hindi rin tag ulan ngayong buwan" sagot ko sakanya, nag tataka na rin ako kung bakit ang random ng tanong niya.
"Sigurado ka ba? hindi umulan?" kalmado at nag tatakang tanong ni Louise habang hawak hawak ang kanyang sariling kamay sa harap.
"Hmmm... oo? oo, sigurado ako, kung gusto mo tignan pa natin sa cellphone" sagot ko sakanya habang nakapamulsa.
"W-wag na, thank you mark" sagot ni Louise, mas lalo akong na curious sa nangyayari sakanya ngayon.
Ang random ng tanong at parang nag tataka pa siya kung bakit hindi umulan. Summer Season ngayon, impossibleng umulan. Unless, may bagyo.
LOUISE POV:
Nakatingin ako sa mga ulap ngayon, pinag mamasdan kung may bakas ba ng ulan o bagyo akong makikita, pero wala, tanging asul na kalangitan at malinis na ulap lang ang nakita ko.Bakit wala? pero alam kong nung isang araw ay umulan ng malakas ah.
Patuloy parin ako sa pag mamasid sa mga ulap ng mapansin kong lumapit sakin si Mark, kaya nag tanong na ako para makasigurado.
"Mark? umulan ba nung mga nakaraang araw?" nag dadalawang isip pa ako nung mga oras na yon pero kailangan kong makasigurado.
"hm... hindi naman, hindi rin tag ulan ngayong buwan" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang mga sagot na yon galing kay Mark.
Hindi nga ba talaga umulan? pero, pero ano yung ulan na nakita at narinig ko galing sa labas ng bintana sa bahay namin nung isang araw? Imposible yon... sigurado ako sa nakita ko, h-hindi ko alam kung panaginip lang ba yon.
Pero hindi! parang totoo, hindi rin naman ako nababaliw.
— END OF LOUISE POV —
Nag lakad na ako papuntang hallway ng campus, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nabanggit sakin ni Louise kanina.
Anong meron sa ulan na yon? bakit parang pakiramdam ko ay may kakaibang nangyayari ngayon kay Louise? bakit parang pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin?
Patuloy pa rin ako sa pag iisip ng kung ano-anong mga bagay tungkol sa nangyari kanina nang makita ko si Cath na nakasandal sa pader at nakapamulsa pa nga sa jacket niya at si Ridel naman ay nakaupo lang sa upuan malapit don habang hawak hawak ang camera niya.
"HO-HO! LOOK WHO'S HERE!" pabirong bati sakin ni Cath nang lumapit ako sa pwesto nila.
"What's up, jaggy!" paasar na bati ko kay Cath kaya napasimangot siya.
Lumingon naman ako kay Ridel para batiin siya "Hi, Ridel! kumusta yung filming mo?" tanong ko sakanya.
Ngumiti naman si Ridel at tumango bago sumagot "Mark! Doing well, I guess?"sagot ni Ridel na may kasamang matamis na ngiti.
"I know you can do it" Sagot ko sakanya para kahit papano ay ma-motivate naman siya, nakakapagod din kayang mag shoot ng mga videos o mag sulat ng story para sa film, bilib nga ako sakanya e.
"Andito lang kami para sayo, Ridel! ang tagumpay mo ay tagumpay din namin, gotchu!"
napalingon kami ni Ridel kay Cath ng banggitin niya yung mga salita na yon, hindi narin napigilan ni Ridel na ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/374818651-288-k160163.jpg)
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...