"AIRPLANE TOY"
Saturday: May 24, 2014 — Nag pasama si Louise sakin ngayon para bisitahin si Samantha at yung lola niya na naka confine sa hospital dahil hindi rin naman pwede si Mike at marami rin daw ginagawa, alam naman ni Mike na magkasama kami at okay lang sakanya yon.Nag lakad kami mula sa babaan ng jeep hanggang sa makarating kami sa isang public hospital building, malapit lang naman kaya nilakad na namin kesa gumastos pa ng pamasahe sa tricycle, minsan sobrang mahal pa nila maningil.
"Mark, thank you nga pala sa pag sama sakin ngayon dito" ani ni Louise habang nag lalakad kami papunta sa lobby ng hospital.
"Wala yon" sagot ko sakanya at pumasok na rin.
Nilingon namin yung hospital ward pati yung lobby at punong-puno pa rin ito ng mga pasyente at yung ilan ay mga victims pa ng The Ruling na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-recover sa mga injuries.
Public Hospital 'to kaya kahit sa may gilid ng hallway ay may makikita kang mga pasensyeng naka higa, natutulog at naka upo habang may mga naka tusok na dextrose sa likod ng kamay nila.
Lumingon ako sa countertop na nasa lobby at nakita ang mga nurses, doctors at iba pang medical assistant na sobrang busy at maraming inaasikaso na mga pasensyeng nasa waiting area pa. Yung iba naman ay may mga kausap sa telepono.
"Pasensya napo pero puno na po kasi ang capacity ng hospital namin" rinig kong ani nung isang nurse habang hawak hawak yung telepono.
"Mag hintay nalang tayo, malapit na, tiis tiis muna" ani nung lalaki habang inaalalayan yung buntis niyang asawa papasok sa entrance na sa tingin ko ay ngayong araw na manganganak dahil halos sumigaw na sa sakit.
"Saan tayo?" tanong ko Louise.
"Sabi ni Sam sakin nasa 3rd floor daw sila, doon sa may double door ward"
Tumango ako at sabay na kaming nag lakad papunta sa may elevator katabi lang ng hagdanan, para mas mabilis at hindi pa kami mapagod kaya yon nalang gagamitin namin.
Tumayo si Louise sa tabi ko nang makapasok kami sa elevator, ako naman ay pinindot ko na yung 3rd floor button at nag hintay kami na mag bukas yung pintuan.
Halos walang umiimik saaming dalawa ni Louise, nilamon ng katahimik ang bawat sulok ng elevator. Pakiramdam ko ay may kakaiba kay Louise, may hindi ba siya sinasabi? may nalaman naba siya?
Napatigil ako sa pag iisip ng tumunog yung elevator at bumukas yung pintuan. Nag lakad kami papalabas at dumeretso sa isang malaking double door at naglakad papunta sa hospital bed kung nasaan naka confine ang lola ni Sam.
"Lou!" rinig kong bati ni Sam at napatayo pa siya sa kinauupuan niya sabay yakap kay Louise.
"How are you?" rinig kong tanong ni Louise kay Sam.
"I'm good..." sagot ni Sam at mukhang nag aalinlangan pa siya.
Tumayo lang ako sa likod at lumingon sa lola ni Sam, naka pikit pa rin at nakita ko na may heart beat monitor pa at oxygen na nasa gilid.
"Mark! andito ka pala!" masayang bati ni Sam sakin kaya napa lingon ako sakanya.
"Hi Sam! nag pasama si Louise" sagot ko sakanya sabay ngiti.
***
Kumuha ako ng dalawang monoblock chairs para tig isa kami ni Louise at umupo sa side kung nasaan si Samantha habang naka harap sa hospital bed.
"What happened to her? okay pa siya last month ah" ani ni Louise.
Huminga naman ng malalim si Sam at nakita ko kung paano mag bago yung expression niya habang naka tingin sa lola niya.
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...