CHAPTER 32

7 3 0
                                        

"MESSAGE"
Nang makauwi sa bahay ay agad din akong nag bihis, hindi na ako nag luto dahil nabusog na rin ako sa kinain namin sa labas.

Pumunta ako sa kwarto sabay higa sa kama, nakakapagod 'tong araw na 'to.

Masaya ako dahil natanggap ako sa Piano Club pero bakit parang kulang pa rin yon?

Binuksan ko yung cellphone ko at dali-dali rin nag open sa gc namin nila Cath at Ridel.

Pagka-bukas na pagka-bukas ko ay agad agad bumungad sakin yung video ko habang nag papatugtog sa audition day, pati na rin yung mga stolen shots na kuha ni Cath.

MCR TRIO : ACTIVE NOW
: Ridel sent a video.
: Cath sent a photos.
: Cath sent a sticker.

Ngumiti naman ako habang sinasave yung mga pictures na yon.

Cath : mag papa-hard copy ako niyan, lagay ko sa album natin!

Mark : pogi ko riyan ah? ganda ng kuha

Ridel : Hangin?

Cath : mas pogi ako guys, shut up.

Cath : pogi na maganda pa, that's miss catherineeeee portillo! ho! ho! merry christmas!

Ridel: Na send mo na yung video mo, Mark?

Napatigil ako sa pag tatype nang mabasa ko yung tanong na yon ni Ridel.

Hindi ko pa nga sinasave yung video na kinuha niya kanina, ewan ko ba anong nangyayari sakin.

Hindi na ako nakapag reply at nag back home nalang ako sa screen para pumunta sa messages app ko.

Karamihan ng mga messages ko kay mama ay andon, yung iba naman ay nasa gmail app, messenger at notes mismo ng cellphone ko.

Binuksan ko yung messages app ko at bumungad sakin yung account ni mama na nasa pinaka unahan pa.

Matagal na rin yung huling message na senend ko roon base sa date na naka lagay.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko yung convo na yon.

Tumigil ang mundo ko ng muli kong mabasa ang sobrang haba at sobrang daming unread messages na senend ko kay mama.

Yung iba roon ay 1 year ago na at hanggamg ngayon ay wala pa ring ni isang sagot akong natanggap galing sakanya.

[MARK'S MESSAGE]

: mama! alam ko na mag piano! nilipat ko po yung piano niyo sa kwarto ko para hindi masira, para kapag pag balik mo ay may gagamitin tayo sa pag tutugtog. duo tayo mama!
: hi ma! kumusta kana? i miss you, kailan ka uuwi? ma sabihan mo lang po kami ni papa kapag babalik kana ah? hindi kami mapapagod na mag hintay sayo!

: mama, ligtas ka po ba? wala pa kaming natatanggap na tawag galing sa mga police eh pero sana ligtas ka. tinatawagan ka namin pero hindi ka namin ma contact, mama diba mag sasama pa tayo ng matagal? nangako ka sakin na uuwi ka noon.

: ma? kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. wag mo po kaming alalahanin ni papa, lumalaban pa rin kami. lumalaban kami at nag papakatatag kahit unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa na makita ka ulit namin. ang daya mo, ma. sabi mo babalik ka para sakin, sinabi mo na uuwi ka pa sa amin ni papa pero ma, hindi mo naman ako pinag bigyan sa hiling ko. wala naman sa usapan yan eh.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon