CHAPTER 21

11 4 0
                                        

"TRIPLE THREAT"
Ilang araw na ang nakaka lipas simula nung nag usap kami ni Louise at ilang araw na rin akong hindi mapakali.

Sa araw-araw ay palagi ko ring nakikita si Nicole, dahil nga ay mag kaklase kami at hindi lang din kalayuan ang pwesto namin sa isa't isa.

May mga oras na sumusulyap ako sakanya, hindi ko maitanggi na may kakaiba sakanya na hindi ko nararamdam sa ibang mga babae.

Maayos naman na kaming dalawa, naging magkaibigan kami pagkatapos ng mga nangyari at minsan ay sabay-sabay pa kaming kumakain nila Cath kapag tanghali.

Nakaupo kami sa classroom ngayon habang nag hihintay na matapos yung last subject namin para sa morning class.

Lumingon ako kay Louise at sakto namang nag tama yung tingin naming dalawa, saka siya lumingon kay Nicole na para bang may pinapahiwatig.

Si Nicole naman ay abala sa pakikinig ng discussion, ganon din si Cath at Ridel.

Pagkatapos ng morning class namin ay nagsi-labasan na rin ang iba naming mga kaklase para kumain sa labas kasama yung mga kaibigan nila.

Aalis na sana si Nicole sa classroom namin nang marinig ko na tinawag siya ni Louise.

"Nicole! sandali!" ani ni Louise sakanya.

Lumingon naman agad si Nicole at lumapit.

"Hello, Louise! may kailangan ka?" tanong niya.

Agad din namang lumapit sakanya si Louise at ngumiti.

"May gagawin ka ba? ngayon?" tanong ni Louise sakanya.

Kami naman ni Cath at Ridel ay nakikinig lang sa usapan nila, hindi naman malayo at kami-kami nalang din ang natira rito sa classroom.

"Uhmm, wala naman" sagot ni Nicole.

Tumango si Louise at senenyasan ako.

Nag paalam muna ako kanila Cath at Ridel bago kami lumabas ni Louise at Nicole sa classroom at nag lakad papunta sa chemistry lab.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Nicole kay Louise habang nag lalakad kami.

"Chemistry Lab, may kailangan kang malaman"

Lumingon naman ako kay Nicole at nakita ko ang pag tataka sa mukha niya ngayon habang karga-karga yung bag niya.

"Paano kaya namin sasabihin 'to kay Nicole?" tanong ko sa sarili habang nag lalakad.

Nang makarating kami sa harap ng chemistry lab ay may narinig kaming nag bubulungan, hindi kalayuan sa amin.

It was Andrea and Audrey, yung mag best friend na walang ginawa kundi mag kalat ng mga fake news sa loob at labas ng campus. Taga kabilang section lang sila.

"Look! oh my god, two girls at the same time tapos sa loob pa ng chemistry lab? girl!" rinig kong bulong ni Andrea kay Audrey.

Mga tanga, mag bubulungan na nga lang maririnig pa.

"Akala ko ba may boyfriend na yan? si Louise? ang landi" sagot ni Audrey sakanya.

"Yes! si Mike, augh! crush ko pa naman yon" malanding wika ni Andrea.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon