"MEMORIES"
Napag-kasunduan namin ni Nicole na mag kikita kami sa Piano Club Room ngayong araw pagkatapos ng klase namin nang masimulan na yung pag eensayo ko para sa audition, may ilang araw pa naman ako bago yon kaya may oras pa kahit papano.Sabay kami ni Nicole na pumunta sa Piano Club Room habang ang ibang mga estudyante ay nag sisi-uwian na, maaga pa naman kaya pwede pa kaming mag stay dito.
Sinabihan ko rin si Cath na susunod nalang ako sakanila dahil kailangan ko pang mag practice. Pumayag naman sila at nauna na ring umuwi.
Buhat-buhat ko ang bag ko ngayon na nasa likuran, ganon din si Nicole habang nag lalakad kami papalapit doon sa may pintuan.
"May naisip kana bang tutugtugin para sa audition day?" tanong ni Nicole sakin habang binibuksan ko yung pintuan para maka pasok siya.
Hinayaan ko lang yon na bukas, ganon din ang mga bintana para hindi gaanong mainit at para makalabas din yung tugtog mamaya.
"Hmm pinag iisipan ko pa pero sa ngayon yung Grieg's Wedding Day muna" sagot ko sakanya.
"Sure, pwede mo bang ipatugtog? para malaman ko kung ano yung pwedeng ayusin" ani ni Nicole.
Tumango ako at nag lakad papalapit sa may piano na naka pwesto sa harap ng blackboard at dahan dahang umupo, habang si Nicole naman ay naka tayo sa gilid.
Huminga ako ng malalim bago ko simulan ang pag tugtog ng musikang yon. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil nanonood saakin si Nicole, hindi ako sanay na pinapanood niya akong nag papatugtog ng piano, lalo na at first time pa 'to.
Ramdam ko ang kaba na bumababa hanggang sa mga daliri ko kaya hindi ko maiwasan na mawala minsan sa tono at medyo pinag papaiwasan na rin ako.
"Sandali" ani ni Nicole.
Lumingon naman ako sakanya at nakita ko kung paano mag dikit yung dalawang kilay niya.
"Nicole?"
"Mark, huwag mong masyadong diininan yung pag pindot sa bawat key notes. Hindi pumapantay sa tono ng tugtog"
Medyo pinag paiwasan pa ako nang marinig ko ang komentong yon galing kay Nicole, tumingin naman ako sa mga key boards at ipwenesto nang maayos ang mga kamay ko.
"Take a deep breath at wag mong dadaganan yung bawat dulo ng key board. Maintain your composure" pag papa-alala ni Nicole.
Tumango naman ako at nag simula na ulit, mas kalmado na ngayon kesa kanina pero hindi ko pa rin maiwasan na mapindot yung ibang notes na hindi naman dapat pindutin.
Kabisado ko naman yung Grieg's Wedding Day notes pero dahil sa dala ng kaba, hindi ako makapag concentrate, lalo na at pinapanood ako ni Nicole.
***
Ilang araw na ganon yung mga ganap naming dalawa, at minsan naiinis pa siya dahil hindi ko masundan sundan yung sinasabi niya sakin.
Aaminin ko, masaya naman siyang kasama at matututo ka talaga sakanya pero may mga oras din na strikto siyang coach, ayaw sa mga hindi pulidong notes.
Halos pa ulit-ulit lang kami araw-araw pero hindi ko maipagkakaila na natututo ako sakanya, marami siyang alam tungkol sa piano na nakaka tulong din sa improvement ko plus, araw-araw ko rin siyang nakakasama simula nung nag start kami.
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...