CHAPTER 27

8 3 0
                                        

"REVELATION"
Medyo hapon na kaya kailangan na naming mag madali ni Nicole, last practice naman na 'to eh tapos makaka uwi na kami mamaya, unti nalang.

"May iba ka pa bang alam na music bukod sa Grieg's Wedding Day?" tanong ni Nicole nang bumalik ako sa pagkakaupo sa piano bench.

"Meron kaso hindi ko alam kung anong title"

"Huh? anong hindi mo alam" nag tatakang tanong sakin ni Nicole habang nakatingin siya.

"Naririnig ko lang siya kay mama noon, hindi ko rin alam yung ibang notes"

May naramdaman akong kakaiba ng mga oras na yon, hindi ko alam kung bakit pero kinukutuban na ako na may mangyayari ulit.

"Hmmm, go lang. pakinggan natin" ani ni Nicole.

Tumingin naman ako sakanya at pinag iisipan ko pa kung tutugtugin ko yon sa harap niya ngayon. Si Cath at Ridel lang kasi ang nakarinig sakin na tinugtog ko yon hanggang sa notes lang na alam ko dahil hindi ko naman kabisado lahat.

May parte sakin na pumipigil pero may parte rin naman na gusto nang ilabas yon. Si Nicole naman 'to eh, bakit ako matatakot? staka bakit ako mag iisip ng ganon. Wala namang masama ah?

Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulan na patugtugin yung paboritong musika ni mama.

Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapatugtog yon. Dinadama ang bawat tempo ng musika na napaka sarap pakinggan, pero... nasasaktan din ako. Sa tuwing pinaparinggan ko yon ay mas naaalala ko si mama. Miss ko na siya.

Habang nag papatugtog ako ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, sa may piano bench at sinabayan ako sa pag papatugtog.

Lumingon ako roon at si Nicole yon, alam ni Nicole yung mga notes na hindi ko alam??? bakit?? paano??

Nakita kong si Nicole ang pumipindot ng mga keys na nasa right side, ako naman ang nag papatugtog ng key notes saleft side.

Lumingon siya sakin at ngumiti.

"Ituloy mo lang" bulong niya at pumikit din siya habang sinasabayan ako.

Bumilis yung tibok ng puso ko ng mga oras na yon. Walang kung ano ano ay pumikit din ako habang dinadama ang bawat pag lapat ng mga daliri ko sa piano keys.

Sobrang... sobrang sarap pakinggan. Ngayon ko lang maririnig yung mga parteng pinapatugtog ni Nicole.

Hindi ko namalayan na napapaluha na pala ako, naaalala ko pa rin si mama at lalo lang lumalim yon ngayon. Gusto ko na siyang makita, gustong gusto ko na siyang mayakap pero hindi ko magawa. H-hindi... nawawalan na ako nang pag asa.

NICOLE'S POV:
Lumingon ako sa labas ng bintana nang maka-alis na sila Cath at napansin kong medyo hapon na rin, pero last naman na yon. Nag request kasi si Mark na isa pa para matapos na namin pero may iba akong naisip na idea.

What if... iba naman ipatugtog ko sakanya? puro Grieg's Wedding Day nalang naririnig ko eh.

"May iba ka pa bang alam na music bukod sa Grieg's Wedding Day?"

Tinanong ko si Mark habang pinapanood ko siyang nag lakad papunta sa may piano bench sabay upo.

"Meron kaso hindi ko alam kung anong title" sagot niya sakin kaya nag taka naman ako, alam niyang tugtugin pero yung title hindi?

"Huh? anong hindi mo alam" tanong ko sakanya.

"Naririnig ko lang siya kay mama noon, hindi ko rin alam yung ibang notes" sagot niya sakin kaya mas lalo pa akong nag taka.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon