CHAPTER 8

12 5 0
                                        

THE RULING : EARTHQUAKE DISASTER (PHILIPPINES - FEBRUARY 2014)

Isang malakas na Global Earthquake Disaster, na siyang naging dahilan ng matinding damage sa infrastructures at economy ng Pilipinas noong February 2014, dalawang buwan na ang nakakalipas mula sa kasalukuyan (April 2014).

Maraming naibalita na Namatay at Missing persons. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga investigators at police kung nasaan na sila.

Walang bakas o ni isang pahiwatig kung buhay paba sila o kasama na rin sa mga namaalam na sa mundong ibabaw.

Maraming pamilya ang nag luksa para sa mga mahal nila sa buhay, umaasa na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito at gumising pa sa katotohanan na magkakasama pa sila at maayos na naninirahan sa lugar na yon.

Marami ring mga negosyante ang bumagsak at sumabay sa pag guho at pagkalugi ng mga negosyo nila, lahat sila ay nag simula ulit sa umpisa.

Marami ring mga biktikma ng 'The Ruling" ang nag poprotesta at bumuo ng mga grupo para manawagan sa gobyerno dahil sa kadahilanang hindi manlang nila maramdaman ang tulong mula sa mga nakaupo sa itaas, lalo na yung naipangakong 70 billion budget na para sana sa mga biktima ng Global Earthquake Disaster na ngayon ay na pako nanga.

Kilala rin ang The Ruling bilang isang Nightmare Disaster, lalo na sa mga natamaan at naperwisyo nitong mga tao at kahit na mga hayop.

May mga parte naman sa pilipinas na hindi gaanong natamaan ngunit meron din na sobrang lakas ng epekto nito sa mga buhay nila.

Pagkatapos ng The Ruling ay hindi mo na masasabi sa sarili mo na parte paba ng Mapa ang isang lugar na yon dahil kahit ikaw mismo ay hindi mo na alam sa sarili mo kung matatawag pa ba yon na syudad na tinitirhan ng marami saatin.

Tanging mga masasayang memorya at ala-ala na lamang ang mananatili sa puso at utak mo, na sa huli ay nalagyan ng bangis ng dugo at pag hihirap sa mamamayan ng bayan na ito.

The Ruling, na sana ay panaginip nalang. Yon ang madalas sabihin ng mga nakaranas non, maswerte pa sila dahil nakaligtas sila sa bingit ng kamatayan at hanggang ngayon ay nabubuhay pa.

Ngunit, hindi na gaya ng dati.

TRAUMATIZED isang salita na makakapag buod sa nararamdaman nila ngayon ngunit patuloy pa rin na bumabangon mula sa pagkakabagsak.

— THE WORLD HASN'T ENDED YET —

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon