CHAPTER 30

5 2 0
                                    

"TIME LOOP"
Ilang minuto pa kaming nag stay sa loob ng hospital bago mag desisyon si Louise na umalis na kami dahil may gagawin pa raw siya. Yon ang sabi niya kay Samantha.

"Sammy, mauna na kami ni Mark. I still have some works to do but don't worry! bibisitahin ko pa rin si lola when i have free time" ani ni Louise kay Sam sabay yakap dito.

"Yeah sure, take care and thanks for the fruits" sagot ni Sam.

Ako naman ay nakatulala pa rin at pinipilit ko lang din ang sarili ko na ngumiti para hindi mag isip ng kung ano-ano si Samantha at baka maikwento niya pa kay Cath yon.

"Mark! ikaw na bahala sa best friend ko ha?" pag papaalala ni Sam.

Napatingin naman ako agad sakanya at tumango.

"Ako bahala" sagot ko.

"I think you should really get some rest after mo makauwi, you look so exhausting" ani ni Sam at napatango nalang ako habang si Louise ay naka tingin din saakin ngayon.

***

Naka labas na kami ni Louise ngayon sa hospital building at wala naman yung sundo niya kaya nag lakad kami papunta sa subway station malapit doon.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

"Sa school" simpleng sagot ni Louise.

Nag lakad lang kami ni Louise habang nag uusap sa may sidewalk, hindi naman mainit kaya sakto lang din.

"Anong gagawin natin don?"

"Mark, sa itsura at galaw mo palang kanina alam ko na"

"Anong alam mo na?"

Lumingon naman si Louise sakin bago mag sumagot.

"Did you experienced it again? the memory anomalies?" bulong niya, sakto lang naman na marinig ko.

Nag patuloy kami sa pag lalakad habang nag bubulungan para walang ibang maka rinig tungkol sa pinag uusapan namin.

"Mas malala pa kesa sa iniisip mo" sagot ko sakanya.

Hanggang ngayon ay ramdam ko parin yung tibok ng puso ko, akala ko nga ay katapusan ko na kanina at sinusundo na ako sa impyerno.

"I have the Chemistry Lab Keys, puntahan natin yon" ani ni Louise at nag lakad din siya ng medyo mabilis.

Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa subway station.

Bumili kami ng ticket papunta sa Liamson at nang makaupo kami sa loob ng tren ay balisa pa rin ako at nalulutang, pakiramdam ko ay lumulutang na rin utak ko ngayon e.

"Calm down, Mark" bulong ni Louise sa tabi ko nang mapansin niyang kanina ko pa ginagalaw yung kamay ko.

"Pasensya na" bulong ko pabalik at lumingon nalang din sa may bintana.

"You want to say something right? mamaya na sa Chemistry Lab para mapag usapan natin nang maayos"

Tumango ako at sinubukan ko munang ikalma yung sarili ko sa buong oras ng byahe namin.

Nang tumigil yung tren sa kabilang station ay agad agad din naman kaming bumaba at lumabas doon para mag lakad papunta sa Liamson Integrated School.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon