"TAHO!? TAHO! BILI NA KAYO NG TAHO!"
Narinig ko ang sigaw na yon galing sa labas ng bahay.Taho, isa sa mga paborito kong binibili na meryenda simula nung bata palang ako.
Kakatapos ko lang nga mag umagahan at maligo para mag handa dahil may pasok ngayon.
"Friday, the last day" banggit ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng cabinet na may salamin, tinitignan ang sarili habang kinakabit ang mga butones sa uniform ko.
"Bravo, pogi naman" patawang sabi ko pagkatapos mag ayos ng sarili at nag pose pa sa harap ng salamin.
Kinuha ko ang bag ko at dahan-dahang nag lakad papuntang sala, lumingon muna ako sa paligid ng bahay at pinag masdan ang madilim at parang walang buhay na itsura nito.
Huminga ako ng malalim at bumulong sa sarili "kailan kaya sila babalik? alam din ba nila na... na, nangungulila na ako sakanila?" pagkatapos kong banggitin ang mga salitang yon ay umalis na rin ako sa bahay para simulan nang mag lakad papunta sa subway station.
"Backpack sa likod, kamay sa bulsa!" nakangiting sabi ko sa sarili ko habang patuloy na nag lalakad, lumingon ako sa paligid at pinanood ang abala na daan at ang mga nag mamadaling tao na sigurado akong papunta rin sa mga kanya-kanya nilang trabaho ngayon.
Habang nag lalakad ay may nakasalubong akong nag titinda ng mga yosi at candy "gusto mong bumili bata?" tanong ng nag titinda "u-uh hindi po, salamat" sagot ko at nilagpasan nalang siya.
Bulag ba siya para hindi makita na estudyante ang inaalok niya?? talagang gagawin ang lahat para lang makabenta, tsk.
Nang makarating ako sa subway station at natapos ng makabili ng ticket ay pumunta muna ako sa waiting area para mag hintay sa susunod na tren.
Nakatayo ako at naisipan ko munang mag facebook habang nag hihintay, nang biglang may nag message sakin. Si Louise!? ang class president ng section namin.
Louise Ordunia: Mark? how's the slides?
slides? anong slides? may nakalimutan ba ako?
Mark Borja: Slides? uh, Louise, anong sinasabi mo?
shit! wala akong maalala sa slides na tinutukoy ni Louise! ano yon!?
Louise Ordunia: Mark, seryoso ka ba? yung slides! sa presentation natin. remember? may reporting tayo ngayon, mark.
r-reporting?? paanong hindi ko maalala yon? wala akong maalala tungkol don, at yung slides?? shimay ano na!? hindi ko nagawa yon, wala akong nagawa.
Kapag sinabi ko yon kay louise siguradong tutustahin ako niyan at baka katapusan ko na rin sa mundong ibabaw.
Mark Borja: Ah. yon? oo, natapos ko louise.
Alam kong hindi tama yung ginawa ko pero... pero wala akong choice! bahala na mamaya.
Pinag papawisan ako ngayon habang nag hihintay pa sa susunod na reply ni Louise.
Louise Ordunia: Sure, dapat lang:)
Lalo akong kinabahan nang mabasa ko yung reply ni louise, nag simula na rin akong mag dasal sa lahat ng mga santo dahil sigurado akong katapusan ko na talaga kapag nalaman niyang hindi ko nagawa yung slides.
Wala naman kasi akong maalala na may reporting pala!
Dumating na yung tren papunta sa Liamson kaya sumakay na rin ako, puno na ang mga upuan kaya wala akong choice kundi tumayo at kumapit nalang sa mga nakasabit na hawakan sa loob ng tren.
Kinakabahan at pinag papawisan pa rin ako habang iniisip kung ano yung mga possibleng kayang gawin sakin ni louise kapag nalaman niyang wala akong nagawa ni isa sa mga slides na yon.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...