"NICE ONE"
Yan ang rinig kong komento galing kay Cath pagkatapos kong kausapin si Kathrine. Phew! nakaka-kaba naman yon, bakit ba ang sungit sungit at hindi namamansin? tsk."Nice one, Marky!" pumalakpak ng mahina si Cath nang makaupo ako sa upuan ko.
"Tsk, palpak pa rin naman yung plano mo" pang aasar ko sakanya.
"Trust the process! staka tignan mo, tinanong nga pangalan mo eh. diba?" sabi ni Cath habang nakatingin sakin, tinaas ko lang ang kilay ko at tinarayan siya.
"Oo, tinanong nga. pero baka for important purposes lang yon" sagot ko sakanya at ngumisi lang siya.
"Oh yeah, important purposes" sabi niya at ngumiti pa bago lumingon kay Kathrine.
Ilang oras na ang nakalipas at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa klase, shit! nagising ako at nakita ko si Cathy sa tabi ko, lumingon din ako sa paligid at nakita kong recess na pala.
Ilang oras akong nakatulog!?
"Oh! gising kana pala" bati ni Cath habang may kinukuha sa bag niya na nakapatong sa lamesa.
Nag stretch muna ako ng braso at lumingon sakanya.
"Anong oras na? bakit hindi mo ako ginising? natulog ako hindi pa nag sisimula yung klase tapos pag gising ko, recess na?" Nag tatakang tanong ko sakanya.
"Mark, sinubukan namin. Ginigising ka namin, tinatapik ka namin, tinatawag namin yung pangalan mo pero hindi ka magising gising! pasalamat ka, good mood ang mga teachers ngayon kaya hindi ka napagalitan" sagot ni Cath habang abala pa rin sa pag kalkal sa bag niya.
Nag tataka na ako kung ano yung kanina niya pa kinukuha sa bag niya kaya nag tanong na ako sakanya.
"Ano yan?" sabi ko sakanya ng makita kong ilabas niya yung canvas na may painting.
Tinaasan ako ng kilay ni Cath at nag isip muna ng ilang segundo kung ano ang sasabihin niya sakin.
"Yung painting na pinapagawa sa Art subject? The world hunger theme!" sabi ni Cath at pinag malaki pa yung gawa niyang painting.
World Hunger Theme? painting? t-teka ano? Sh-! Mark, ano ba? bakit parang naulit na naman yung parehas na nangyari sakin dati? yung tungkol sa slides, sa reporting namin nila Louise at Ryann.
Ganito rin yung nangyari noon, wala akong matandaan na may pinapagawa sakin na ganito, tapos biglang meron? baliw naba talaga ako?
"Ano yung sayo? Patingin" sabi ni Cath, Tinignan ko lang siya at nag isip muna kung anong gagawin ko.
"Cath? ilang minutes pa meron ako bago matapos yung break time?" Tinignan ako ni Cath dahil sa tanong ko na yon, halatang nag tataka siya sa tanong ko pero na gets niya rin naman agad kung anong ibig sabihin non.
"Mark, seryoso ka ba? hindi ka nakagawa?" sagot ni Cath sakin, tinaasan niya ako ng kilay bago tumingin sa relo niya.
"7 Minutes, may pitong minuto ka pa para mag rush. Good luck Marky!" sabi ni Cath at senenyasan ako para gumalaw na.
Dali-Dali akong tumakbo papalabas ng classroom para pumunta sa pinag bibilhan ng mga school supplies dito sa campus, ang problema... sa kabilang dulo pa yon ng campus, malayo pa sa classroom namin. jusko.
"Excuse me! Pasensya na!" sabi ko sa mga nakakasalubong kong mga estudyante sa hallway, kailangan ko nang mag rush.
Pagkatapos ng breaktime namin ay yung Art Subject na! arghhh!
Binilisan ko ang pag takbo sa hallway, may mga estudyanteng nabibigla at nagalit dahil makakabangga na ako ng tao habang tumatakbo pero humihingi naman ako ng pasenya sakanya.
"Oy!! ano ba!? mag ingat ka naman!" sigaw nung isang estudyante dahil muntik ko nang mabangga yung naka display na project sa labas ng classroom nila.
"Pasensya na!!" Sigaw ko habang patuloy sa pag takbo.
Natatanaw ko na yung tindahan ng school supplies ni kuya Billy.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng hindi ko namamalayang bumangga na pala ako sa isang estudyante na abala sa pag pa-paint habang nakaupo at nakaharap sa easel malapit don.
Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig at nakita kong kumalat ang mga ibat-ibang kulay ng paint sa paligid, ganon din yung easel stand at paint brushes sa hallway at puro narin pintura yung uniform ko, puti pa naman! kung minamalas ka nga naman oh.
Umupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko, nilingon ko yung estudyanteng nabangga ko na ngayon ay nakahiga pa sa sahig.
Habang yung mga paglalagyanan ng Paint at yung mismong Painting niya ay nasira na nasa sahig ngayon.
Nawalan pa siya saglit ng malay bago magising ulit. Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam kong nanigas ang katawan ko ng mamukaan ko kung sino yung taong yon.
N-nicole Lacsamana?

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...