"CHRISTMAS EVE"
December 24, 2014 — Naka upo ako sa sofa ng bahay namin ngayon, wala naman akong masyadong ganap. Kada taon namang ganon eh at nasanay na ako.Nag vibrate yung cellphone ko kaya binuksan ko yon para tignan kung sino yung nag message at nakita ko yung pangalan ni papa sa notification.
[MESSAGE FROM HIS DAD]
: Merry Christmas anak! pasensya na kung hindi ako makakauwi ngayon. Alam mo naman, kailangang kumayod para may pang tustos ako sayo. Wag kang mag alala kay papa, ayos lang ako rito. Bumili ka ng handa mo sa pasko ha? mag iingat ka palagi. Mahal na mahal kita.: sent a photo.
[Bank Notification]
Marco Borja transferred 10,000.00 pesos to your bank account.: 10k yan, dinagdagan ko talaga para may pang allowance ka na extra tapos pambili niyo nila Cath at Ridel ng makakakain kung mag kakasama kayo.
: thank you, pa. ingat palagi.
: ikaw din anak! nabati mo naba ang mama mo?
: pa naman, alam naman natin na wala na si mama.Hindi na nakapag reply si papa dahil sa sinabi kong yon. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na buhay pa si mama kahit alam namin na habang patagal nang patagal ay pawala na rin nang pawala ang pag asa na babalikan pa kami ni mama.
Kung nasa parallel universe man si mama ngayon ay ipinagdadasal ko na sana ay masaya siya ngayon kung nasaan man siya at kung totoo man yon... sana kahit doon manlang ay natupad niya yung pangarap niya na maging pianist.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusina, alas sais na ng gabi at buong araw lang akong andito sa bahay.
Nakita ko pa yung mga posts nila Sofia, Sam, Ryann, Louise at Nicole kanina na mga family pictures kaya sigurado akong mga busy sila ngayong holiday kasama ang mga pamilya nila.
Si Ridel naman ay may dadaanan pa sa studio nila, si Cath ay ganon din. Nasa bahay lang din nila, kasama mga magulang.
At ako? ito, mag isa... mag isa lang, hindi naman siguro lilindol at sasabay yung memory glitches ngayon kaya kahit papano ay kampante naman ako.
Meron pang dalawang box ng pancake sa pinag lalagyan ko ng stock at saktong may itlog pa kaya napag desisyunan kong mag luto nalang ng pancake at yon na ang hands ko ngayong pasko.
Hindi naman masama, diba? masarap din naman ang pancakes eh.
Habang nag a-ayos ako ng mga magagamit ko sa pag luluto ay may mga bata akong narinig sa labas na kumakanta ng mga christmas songs para mangaroling.
Napangiti naman ako at kumuha muna ng 50 pesos sa kwarto ko bago lumabas sa gate.
"We wish you a Merry Christmas! We wish you a Merry Christmas! and a Happy New Year!!!" kanta nung mga bata habang may hawak hawak na mga tansan na naka sabit sa alambre at yung iba ay may dala-dala pang drum toys.
"Wala naman sa tono eh" pang aasar ko sakanila at nag krus pa ako ng mga braso.
"Kakanta nalang ulit kami kuya!" ani nung bata kaya tumango naman ako at pinakinggan silang kumanta ulit.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...