"PRINCIPAL'S OFFICE"
Dahan-dahan akong tumayo para pagpagan yung uniform at pants ko, paano na 'to ngayon? wala na, puro pintura na yung suot ko, puti pa naman.Lumingon ako sa babaeng nabangga ko, akmang tatayo na sana siya galing sa pagkakatumba.
Inalok ko yung isang kamay ko sakanya para sana tulungan siyang makatayo, kaso bigla siyang nag salita at sobrang sama pa ng tingin sakin.
"Hindi. Ko. Kailangan. Ng. Tulong. Mo." pagalit at madiin niyang sabi bago siya tumayo.
Tinignan ko pa siya nang mabuti bago mag salita.
"S-sorry" maikling sagot ko dahil sobrang nahihiya na ako at guilty pa sa nangyari habang nakatingin sakanya.
Parehas kami ngayon, puro na paint colors yung uniforms namin, kahit ibang parte ng katawan meron, hanggang sapatos.
Halatang sobrang bilis nga ng pangyayari kanina nung bumangga ako sakanya.
"Sorry? hindi ka kasi nag iingat! tignan mo ginawa mo, nasira yung painting ko dahil sayo! tapos nag kalat kapa rito"
ramdam ko sa boses niya yung pinaghalong inis at galit habang naka krus yung mga braso niya, nakatingin siya sakin ngayon at tinataasan pa ako ng kilay.
"Hindi kita mababangga kung wala ka sa gitna ng hallway" mahinanong sagot ko sakanya.
Totoo naman? hindi siya mababangga kung hindi siya paharang harang sa daanan, hallway yon hindi art room.
"Excuse me? Hindi mo ako mababanga kung hindi mo ginawang running track yung hallway! sobrang bilis kaya ng takbo mo kanina, tapos kasalanan ko pa? talaga?"
Sagot niya sakin habang nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko, masama pa rin ang tingin niya sakin at sigurado akong nag tatanim na siya ng sama ng loob, halata naman eh.
"Pero nasa gitna ka" pag papaliwanag ko sakanya with action pa na nasa gitna nga siya ng hallway kanina habang nag pa-paint.
"Tumatakb-" hindi na niya natapos yung sasabihin niya sakin nang mag salita si Mrs. Garcia, yung Art Subject Teacher namin.
Nag lakad siya papalapit saamin na mukhang naiinis din dahil sa nangyari.
"Mark and Nicole, Principal's Office. Now!" utos niya samin, napahawak ako sa ulo ko at yumuko.
"S-sorry po ma'am" narinig kong bulong ni Nicole.
NICOLE'S POV:
First day ko ngayon dito sa Liamson Integrated School. Oo, medyo late na yung pag transfer ko ng school pero kailangan talaga kaya napag desisyon namin nila mama at papa na ipagpatuloy nalang yung pag aaral ko dito.So far, so good.
Masaya akong nakaupo sa upuan habang kaharap ko yung stand na pinag lalagyan ng canvas, the easel, habang yung mga kamay ko ay may hawak na paint color sa left at paint brush naman sa right.
Naisip kong dito nalang mag paint at pumwesto sa malapit sa School Supplies Store para in case na may kailangan ako para sa painting eh hindi na ako mag lalakad pa ng malayo galing sa classroom ko, grade 9 perlas, staka breaktime naman kaya may oras pa ako para i-finalize yung painting.
Abala ako sa pag pa-paint ngayon, nang may narinig ako na tumatakbo sa hallway kaya napalingon ako sa direksyon na yon.
Nakita ko ang isang matangkad at gwapong lalaki na mukhang nag mamadali pa.
Sa sobrang gulat ay hindi na ako nakaiwas nung bumangga siya sakin.
Nahulog ako sa pagkakaupo at natapik pa yung easel kung saan andon yung painting na ginagawa ko, nabitawan ko rin yung paint brush pati na rin yung pintura na hawak ko.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...