CHAPTER 16

13 4 0
                                        

"I WIN, YOU LOSE"
Maaga akong nagising ngayon kahit puyat pa ako kakalaro ng video games nung nakaraang gabi dahil may lakad ako kasama si Cath.

Natatanaw na ang sinag ng araw mula sa labas na tumatama ngayon sa bintana ng kwarto ko. Maingay na rin ang paligid na hanggang dito sa loob ay rinig na rinig na ang mga iba't ibang huni galing sa labas ng bahay.

Yung tunog ng mga sasakyan, maingay na mga ibon at huni ng manok mula sa kabit-bahay pati na rin yung mga chismosang naka tambay doon sa may malapit sa tindahan na katabi lang ng bahay namin, ang lalakas ng mga boses at hindi makapag preno, kung ano ano nalang chinichismis ngayon.

Tumayo na ako galing sa pag kaka higa at nag strech muna ng mga braso habang dinadama ang ihip ng simoy ng hangin mula sa loob ng kwartong ito.

Inayos ko muna yung higaan ko bago ako lumabas at tumungo sa kusina para mag handa ng lulutuin na pang umagahan ko.

Cornbeef at Fried Rice ay okay na sakin, ako lang naman mag isa ang kakain dito kaya ayon nalang ang niluto kong pagkain.

Habang nag luluto ay narinig kong may kumakatok sa gate kaya pinahinaan ko muna yung apoy sa stove at lumakad papunta sa gate ng bahay namin.

Binuksan ko yung gate at bumungad sakin si Cath na nakatayo sa harap. Nakasuot siya ng black pants at yung favorite jacket niya na kulay red at may hawak hawak pa na bag.

"Ho-ho! what's up marky!" pambating bungad niya sakin.

"Good morning, jaggy" paasar na sabi ko naman sakanya bago dumapo yung tingin ko sa bag na dala dala niya.

"Bakit andito ka na?" nag tatakang tanong ko sakanya habang tinitignan yung shoulder bag niya na kulay blue at may mga designs pa.

"Andito ako para sabihin sayo na pinapasundo kana ni san pedro" sagot niya habang naka ngiti sakin.

Nag taas naman ako ng kilay at tinignan siya bago mag salita.

"Pakisabi sakanya na hindi pa ako handa. Paki move muna yung date or... iba nalang muna sunduin niya. Busy pa ako please" sagot ko.

Tumawa lang si Cath at nag peace sign pa sakin.

Sinabayan ko lang naman yung biro niya ah? ang babaw talaga ng kaligayahan ng taong ito.

"Mark! ano ba!" patawang sagot sakin ni Cath habang naka hawak siya sa tyan niya.

Ngumiti nalang ako at pinanood siyang tumawa bago mag salita.

"Tara na muna sa loob" pag aaya ko sakanya at tumango naman siya.

Inalalayan ko siya papasok sa bahay at kinuha ko narin yung bag niya para hindi na siya mahirapan sa pag bubuhat.

Nilapag ko muna yon sa sofa na nasa sala bago kami pumunta sa kusina. Sinabihan ko siyang umupo muna ron habang bumalik na ako sa pag luluto ng cornbeef. Nangangamoy nanga e, buti hindi nasunog at mahina lang ang apoy.

"Ang bango ah, wag mong sabihin sakin na professional chef kana ngayon" ani ni Cath habang nakaupo sa dining chair.

Nakatalikod ako sakanya ngayon para ituloy na yung pag luluto ko at nag lagay pa ng iba mga pampalasa.

"Kumain kana?" tanong ko sakanya, sakto lang para marinig niya dahil kami lang namang dalawa ang andito ngayon.

"Hindi pa, nag kape lang ako" sagot niya sakin.

Tapos na akong mag luto at nilagay ko na rin yung ulam sa plato bago mag sandok ng kanin sa isa pang pag lalagyanan.

"Kumain kana rito, baka mamaya magutom ka pa" ani ko kay Cath habang nag sasandok ng kanin.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon