"YOU CAN DO IT"
Mag kasama kami ngayon ni Cath pauwi sa bahay, gumala muna kaming dalawa sa parke dahil maaga pa naman at nag palipas ng oras doon para kahit papano ay malibang naman kami.Niyayaya namin si Ridel na mag meryenda sa parke kaso ang sabi niya naman ay marami pa siyang gagawin kaya dumeretso rin siyang umalis kanina. Naiintindihan naman namin yon, nangako rin naman siya na babawi siya sa amin.
"Ready kana ba? Bukas na ah!" ani ni Cath habang nag lalakad kami sa sidewalk.
"Medyo kinakabahan" sagot ko sakanya.
"Sus! Okay lang yan!!" Naka-ngiting saad niya sakin habang hinahawi ang mga braso sa hangin.
Ngumiti naman ako at tumingin sakanya saglit bago sumagot.
"Thank you, Cath" ani ko.
"Ho-ho! You'll always have me, Marky!! Masayang sagot ni Cath sakin habang nag papatuloy kami sa pag lalakad.
"Plus, No matter what happens. I will always be here for you. Always Remember that!" dagdag niya pa.
Napatawa naman ako ng mahina bago sumagot sakanya.
"Promise? Promise mo yan ha?"
"I promise! mamatay man ako"
Umiling naman ako at tinawanan siya bago mag salita.
"Huwag ka ngang mag salita nang ganyan. Oo na naniniwala na ako!" pang aasar ko sakanya.
Tumawa naman si Cath at tinapik pa yung braso ko.
"Duh! Seryoso ako" sagot niya.
Pinanood ko naman siyang tumawa habang nag lalakad kami. Rinig sa daan ang mga maiingay na makena ng mga sasakyang nag dadaanan.
Hindi pa naman gaanong madilim sa daan dahil palubog palang ang araw na tanaw sa kulay asul na kalangitan.
Malinis ang langit at walang gaanong ulap. Sobrang ganda sa paningin na tila ba'y nag bibigay ng buhay sakin pero may parte rin sakin na umaayaw.
***
Naka-uwi na ako at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si Cath. Sabi niya ay dito raw muna siya, hindi naman daw siya hahanapin sakanila dahil alam naman ng mga magulang niya na mag kasama kami at hindi rin naman malayo ang bahay nila sa bahay namin.
"Gutom kana ba?" tanong ko kay Cath nang maka-pasok kami sa bahay.
"Hindi! busog na ako ang dami nating kinain kanina" sagot niya sakin sabay upo sa sofa. #feelingathome
"Sigurado ka? baka biglang kumulog yang tyan mo" ani ko sabay baba ng bag sa kabilang sofa.
"Hindi nga, promise promise promise!" sagot ni Cath sabay tapik pa sa mga unan na andon.
"Kakain nalang ako sa bahay mamaya kapag nagutom ako" dagdag niya pa.
Lumingon naman ako sakanya at tinaasan pa siya ng kilay.
"May pagkain naman dito ah, mag sasalang ako ng kanin para makakain na tayo" sagot ko.
"Ay sige, ampunin mo nalang ako. Willing akong maging taga ubos ng stock mo" patawang ani ni Cath.
"Ampunin ko na rin si Mommy Ridel" pabirong saad ko kaya napatawa na rin kaming dalawa.
"Ho-Ho!! Mommy Ridel!?" pang gagaya niya sakin.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...