CHAPTER 40

10 3 0
                                        

"TILL OUR NEXT ECLIPSE"

Nag lakad na kami ni Cath papalabas sa mall at pumunta sa may tabi ng tulay kung saan mapapanood namin yung fireworks show.

Ang sabi kasi ng nag titinda sa cookies store ay may fireworks show na magaganap ngayon dito sa may harap ng tulay na malapit lang din sa mall.

Pagdating nga namin doon ay marami ring nag hihintay na mga tao, may mga bata pa. Yung iba ay nag lalaro pa sa gilid ng tulay.

Wala namang gaanong dumadaan na mga sasakyan at may mga nag babantay naman na mga magulang sakanila.

"Ang saya nila, ano? parang tayo lang nila Ridel nung mga bata pa tayo. Walang gaanong alam sa mundo at... syempre, walang iniisip na mga problema"

Huminga ako nang malalim habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Cath at patuloy pa rin sa pag nood sa tatlong batang nag lalaro sa may kabilang banda ng tulay.

"Ang bilis nga ng panahon eh, dati sabay sabay pa tayong naliligo sa ulan habang nag lalaro sa may kalsada" napatawa pa ako saglit habang binabanggit at inaalala ang mga masasayang araw na mag kakasama kami nila Ridel.

"Parte naman ng buhay yon, Cath. Sa ayaw o sa gusto natin ay mangyayari at mangyayari. Staka isa pa... ang tanging magagawa lang natin ay tanggapin yon" dagdag ko pa.

"Tama ka naman. Alam mo ba? nung bata ako gusto kong tumanda agad pero ngayon... parang gusto ko nalang ulit bumalik sa nakaraan at alam mo yon? pigilin ang oras" sagot ni Cath sakin.

Napatigil kami sa pag uusap ni Cath nang ilang minuto bago mag simula yung fireworks show ay biglang umambon.

Nagsi-alisan na rin ang mga taong nag hihintay doon habang kami naman ni Cath ay naka silong sa may waiting shed kaharap yung tulay sa kabilang banda.

Yung mga bata ay nagsi-takbuhan na rin sa mga kanya-kanya nilang magulang para umuwi.

"Mukhang hindi na matutuloy" bulong ni Cath.

"Sayang naman" sagot ko sakanya.

Ngumiti si Cath at nakita ko kung paano niya pag masdan ang pag tulo ng ulan sa kalsada.

Napangiti na rin ako habang pinapanood siya nang biglang may nag message sa akin.

[KUYA NI CATH]
: Hi Mark
: Mag kasama ba kayo ni Cath?
: Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag namin
: Hindi rin nag rereply eh
: Kaya pinapa tanong nila mama kung kasama mo siya

Lumingon ako kay Cath habang abala pa rin siya sa panood sa bawat pag patak ng ulan.

"Uh, Cath? nag chat kuya mo. Hinahanap kana nila sa bahay niyo" ani ko.

"Ihatid naba kita?" tanong ko pa sakanya.

"Ayokong umuwi, Mark" sagot ni Cath sakin.

"H-huh? anong ayaw mo? baka nag aalala na sila sayo"

Umiling si Cath at hindi na sumagot.

Mag sasalita pa sana ako nang mag vibrate ulit yung Cellphone ko.

[KUYA NI CATH]
: pasabi naman kung kasama mo siya

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon