CHAPTER 9

10 2 0
                                    

"PIANO"
Natapos na kami ngayon ni Nicole sa pag pa-paint, nginitian ko siya habang pinag mamalaki niya yung ginawa niya.

Makulay at puno ng pag-asa, habang yung sakin... madilim at parang walang buhay.

Spot the difference tayo ngayon.

"Mark! look! The World Hunger Themed Painting but... with a piece of hope!" pag mamalaki ni Nicole habang hawak hawak yung painting niya at pinapakita pa sakin.

"Wow, ang galing mo mag paint. Nahiya yung paint ko sa gawa mo" natatawang sagot ko sakanya at tinaas ko rin yung akin para makita niya.

"That's fine, keep it simple if you want. I guess hindi mo ba nahahanap yung spark na mag papakulay sa painting na yan" sabi niya habang nakangiti, matutunaw na ata ako dahil sa sinabi niya.

Sobrang saya ko ngayon, hindi ko mapaliwanag kung bakit pero pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakilala.

"Uh... oo, siguro haha" awkward na sagot ko sakanya.

"You just need to find the spark, on the right time and right place" ani niya habang nakangiti, ang cute niyang tignan ngayon, nakakatakot kasi siya kapag nagalit.

"Nicole? saan pwedeng mag cr?" tanong ko sakanya, tinuro niya naman yung direksyon ng cr nila kaya tumayo ako para mag lakad papunta ron.

Naiwan si Nicole sa sala para i-finalize yung ibang parts ng painting niya.

Pagkalabas ko galing sa cr ay dumapo yung tingin ko sa isang kwarto na katabi lang din non, naka bukas yung pintuan kaya naisipan ko munang sumilip don saglit.

Alam kong mali na naman 'tong ginagawa ko pero ewan ko ba, may nag tutulak sakin na tignan yung kwarto na yon. Iba kutob ko dito e.

Pumasok ako sa kwarto na yon at nakita ko yung isang single bed at mga boxes na naka pwesto sa gilid, may stand fan at window type aircon din.

Lumapit ako sa mga box na yon at nakita ko yung mga Trophy at Medals ni Nicole.

Kinuha ko yon para basahin yung nakasulat.

"Nicole Lacsamana, Champion of the 10th piano competition event" mahinang basa ko sa nakasulat doon sa trophy.

Nanigas yung katawan ko nung mabasa ko ang mga detalye na yon.

May parang kung ano akong naramdaman nung mga oras na yon, na hindi ko mapaliwanag.

"Tumutugtog din siya ng piano?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan yung ibang mga medals at piano sheets music na nasa box.

Tinignan ko pa yung ibang nakalagay sa box at nakita ko yung isang rectangle picture frame na may basag sa gilid.

It was Nicole, her mom and her dad kasama yung isa pa sa picture pero hindi ko makita yung mukha dahil basag at sira yung part na yon.

"Bakit basag yon?" tanong ko sa sarili.

Binalik ko na yon sa paglalagyanan nila at huminga ng malalim, Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Tumutugtog nga siya ng piano.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang may gustong ipahiwatig ngunit hindi ko maintindihan kung ano yon.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon