CHAPTER 4

22 5 0
                                        

"CHIRP, CHIRP, CHIRP"
Lunes na naman nga at maaga akong pumasok sa school ngayon, wala pang sikat ng araw dahil nakiusap si Cath kagabi na agahan daw namin para kami yung unang sumalubong sa mga bagong transferee sa section namin.

Inaantok at sabog pa akong nag lalakad sa hallway ng campus nang marinig ko ang mga huni ng crickets sa paligid.

Malamig ang simoy ng hangin at halos wala pang katao-tao.

"Ano ba 'to, puyat pa ako kagabi" inaantok na bulong ko sa sarili sabay hawi ng buhok habang ang isang kamay ko naman ay nakapamulsa.

Nag lalakad ako papunta sa classroom namin at bitbit ang backpack sa likuran.

Nasa unang palapag lang naman ng campus yung room namin kaya malapit lang.

Pag pasok ko sa classroom ay wala pa ngang tao, mas nauna pa akong dumating kay Cath e siya 'tong nag aya na pumasok ng maaga.

Binuksan ko ang mga ilaw at umupo sa upuan ko, sa may bandang likuran.

Halatang halata ang mga eye bags ko dahil sa puyat, nag aya si Cath kagabi na mag laro ng car racing sa bahay namin na naka connect pa sa tv, tapos nag aya pa siyang pumasok ng maaga eh siya ngayon 'tong nahuli pa.

Ipinikit ko muna ang mata ko at nag simulang mag imagine na tumutugtog ako ng piano.

Ipwenesto ko ang aking mga kamay sa hangin na tila ba'y handa nang pumindot sa mga piano keys na naiimagine ko.

Sinimulan kong tumugtog sa hangin habang naka pikit, iniisip at dinadama ang bawat kumpas at ang bawat himig ng magandang musika na tinutugtog ko ngayon.

Sa unting sandali ay nasakop nanga ako ng imahenasyon ko, pakiramdam ko ay kontrolado ko ang mga susunod na mangyayari, damang dama ko ang bawat pag lapat ng aking mga daliri sa piano keys.

Nag patuloy lang ako sa pagtutugtog nang biglang may nasilayan akong babaeng nakaupo at nakatalikod sa aking harapan na tumutugtog din sa piano kagaya ko, tila ba'y sinasabayan ako sa bawat kumpas na binibitawan ko.

Kulay puti ang paligid at ang tanging nakikita ko lang ay yung babaeng nakatalikod sakin habang tumutugtog ng piano.

Mabilis lang ang mga pangyayari na yon, kinilabutan ako at hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang lumitaw yon sa memorya ko habang patuloy pa rin akong sinasakop ng aking imahenasyon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero nag patuloy pa rin ako sa pag tutugtog ng biglang may kumalabit sakin.

"Mark!" sigaw ni Cath sabay kalabit sa balikat ko. Bigla akong bumalik sa realidad at labis na nagulat dahil sa ginawa ni Cathy, pakiramdam ko ay hihimatayin ako bigla sa classroom na 'to.

"C-cath! ano ba! papatayin mo ba ako??" Sigaw ko pabalik habang hinihingal na lumingon sakanya.

Nakatayo siya at naka pameywang pa habang tinitignan ako na parang nang aasar pa.

"Playing some air piano again, eh?" Pang aasar na wika ni Cath habang nag pipigil ng tawa.

"Pwede ba, sa susunod, wag kang mang gulat ng ganon. Hihimatayin ako sa ginagawa mo" Pag rereklamo ko sakanya at tinignan pa siya ng masama.

"Oh~ soryy mr. air pianist" Sarkastikong sagot ni Cath, kita ko sa mukha niya kung paano siya mag pigil ng tawa dahil sa reaksyon ko kanina.

Mag sasalita pa sana ako ng biglang may pumasok sa classroom namin.

Kathrine Corpuz, yung isa sa mga transferees dito sa Liamson Integrated School.

Tahimik kaming lumingon ni Cath sakanya habang pumipili siya ng pwesto kung saan siya uupo, pinapanood ang bawat kilos at galaw na ginagawa niya.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon