CHAPTER 10

16 5 0
                                        

"DINNER NIGHT"
Nangangamoy na yung niluluto ni Mrs. Lacsamana na adobo galing sa kusina, abot hanggang dito sa dining table yung bango kung gaano kasarap yon.

Tutulong din sana ako sa pag aayos at pag lalagay ng plato sa dining table kaso sabi ni Mrs. Lacsamana ay umupo nalang ako at mag hintay nalang, kaya sinunod ko yon.

Nakangiti si Mr. Lacsamana habang nag lalagay ng plato, ngumiti naman ako sakanya pabalik.

"Mark, right?" tanong ni Mr. Lacsamana sakin habang nakangiti at nag aayos ng mga plato sa lamesa.

"Yes po, Mr. Lacsamana" sagot ko na may galang sa tono.

"I'm glad na kahit papano ay nagkakaroon na rin ng bagong kaibigan ang prinsesa ko, make sure to take care of her" pabirong paalala ni Mr. Lacsamana habang nag lalagay ng plato.

Sinundan ko ng tingin si Mr. Lacsamana at ngumiti.

"Nasa tamang kamay po ang prinsesa niyo, Mr. Lacsamana" sagot ko, ngumiti lang siya at nag thumbs up pa sakin.

Habang si Nicole naman at si Mrs. Lacsamana ay busy sa pag pe-prepare ng pagkain sa loob ng kusina.

Nakaupo na kaming lahat ngayon kaharap yung dining table, magkatabi ang mama at papa ni Nicole.

Habang ako naman ay nasa gilid at nasa kabilang parte naman si Nicole kaya magkaharap kami ngayon, mukhang galit pa rin siya sakin pero kahit papano ay ngumingiti naman siya kapag kinakausap siya ng mga magulang niya.

Nag simula na kaming kumain at nag kwentuhan din tungkol sa ibang mga bagay.

Sobrang bait ng mga magulang ni Nicole, at komportable rin ako sakanila.

Pinapanood ko sila kung paano tumawa at halata sa mga mata nila yung saya kapag magkakasama.

Sa totoo lang. Ngayon ko lang ulit naranasan 'to, yung ganitong pakiramdam na may kasamang pamilya habang kumakain.

Nasanay na ako na mag isa lang palagi sa bahay.
Kumakain ako na madilim at walang kulay ang paligid, at ako lang mag isa.

Hindi ko na matandaan kung kailan yung huling kumain kami nila mama at papa dati. Ang alam ko lang ay yon yung gabi bago sila umalis kinabukasan para mag trabaho abroad at... yon na yung huling family dinner namin.

Hindi na kasi sila umuuwi nung makaalis sila, mas lalo silang nag focus at nag tuon ng pansin sa mga trabaho nila, without knowing na may nangungulila at naiwan silang anak na nag hihintay pa rin sa pagbabalik nila.

Kahit sa birthday ko or sa mga importanteng okasyon sa buhay ko, palaging sila Cath at Ridel lang yung kasama ko.

Nag papadala lang sila ng allowance ganon, pero hindi ba sila nakakaramdam? na kahit bigyan nila ako ng maraming allowance ay kulang pa rin yon.

Walang katumbas na halaga, yung makasama manlang ang mga mahal ko sa buhay.

Walang katumbas na halaga yung pakiramdam na magkakasama kayo ng mga magulang mo sa iisang bahay.

Pinipigilan ko nalang yung luha ko ngayon at tahimik na kumakain habang nag tatawanan sila Nicole at ng mga magulang niya.

"Mark? ikaw ba yung tumugtog ng piano kanina?" tanong ni Mrs. Lacsamana sakin.

"Opo" sagot ko at tumingin sakanya, ngumiti lang si Mrs. Lacsamana, ganon din ang papa ni Nicole.

"Wow, magaling ka rin palang tumugtog. Alam mo ba? mahilig din sa piano si Nicole, tumutugtog siya noon at palaging sumasali sa mga competitions" kwento ni Mrs. Lacsamana habang nakangiti, halata sakanya na sobrang proud siya sa anak niya.

Nakinig lang sa usapan si Mr. Lacsamana at tumatango tango lang para umagree sa pinag uusapan.

Habang si Nicole naman ay tahimik lang sa gilid habang kumakain.

"You must be so proud of your daughter, Mrs. Lacsamana" magalang at masayang ani ko.

Tumango si Mrs. Lacsamana bago sumagot.

"Palagi naman, Mark. Ikaw ba? sumasali ka rin ba sa mga piano competitions? nakikita kong may potential ka" sagot ni Mrs. Lacsamana at lumingon pa siya sagkit kay Nicole na ngayon ay nakikinig lang sa usapan.

"Hindi po ako sumasali sa mga piano competitions, nag eensayo palang po ako" magalang na sagot ko.

Nag tinginan muna silang mag asawa bago mag salita si Mrs. Lacsamana.

"Pwede ko bang malaman kung saan ka natuto mag piano? ang galing mo na, akala ko sumasali ka sa mga competitions" tanong ng mama ni Nicole.

"Natuto po ako sa mama ko, tumutugtog din po kasi siya ng Piano nung kabataan niya at palagi ko rin po siyang naririnig noon" Nakangiting sagot ko.

Tumango lang si Mrs. Lacsamana at ngumiti bago kumain ulit.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong na ako sa pag liligpit.

Ako na rin sana ang mag huhugas ng mga platong pinagkainan kaso pinigilan ako ng papa ni Nicole.

Si Nicole naman ay pumasok na sa kwarto niya, ang tahimik niya kanina.

Hindi ko alam kung galit paba siya sakin o ayaw niya lang na pinag uusapan siya.

Saka lang siya iimik kapag may tinatanong yung mga magulang niya sakanya kanina.

Nakapag ligpit na at maayos na rin yung kusina at dining table.

Kinuha ko na yung bag at painting ko bago mag lakad papalapit kanila Mr. and Mrs. Lacsamana sa pintuan bago mag paalam.

"Maraming salamat po sa dinner, sobrang sarap po at nagustuhan ko po" Bibong wika ko sakanilang dalawa at ngumiti pa.

"Awhh, wala yon Mark. Welcome ka rito sa bahay namin anytime kaya kung may kailangan ka, pumunta ka lang dito" malambing na sagot ni Mrs. Lacsamana

Napatigil muna ako saglit at ngumiti sakanila bago sumagot.

"Opo. Uuwi na rin po ako, medyo gabi na rin po at mag lalakad pa ako pauwi. Hindi naman po malayo yung bahay namin dito" Magalang na sagot ko.

"Sige, mag iingat ka mark. ha? delikado pa naman sa labas. At sigurado akong hinahanap kana rin ng mga magulang mo" ani ni Mr. Lacsamana.

Ngumiti nalang ako nag senyas sakanila na aalis na, tumango lang sila at nung makalabas ako sa gate at nag wave pa sila ng kamay bago pumasok sa loob at sinara yung pinto.

Huminga lang ako ng malalim at nag lakad na pauwi.

"Sana nga, sana nga pag uwi ko ay makita ko sila mama na nag hihintay sakin" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa mga ulap at bituin.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon