"TUSOK-TUSOK"
Nakarating na kami sa pwesto ni Mang Jose, yung nag luluto at nag titinda ng mga tusok-tusok dito sa plaza.Bitbit-bitbit ko naman yung bag ni Nicole, habang si Ridel ay hawak-hawak din yung bag ni Cath. #gentlemens'
Nakatayo kami ni Nicole sa harap ng tindahan at nag titingin ng mga pwedeng makain habang si Cath at Ridel naman ay abala na sa pag tutusok ng mga fishball at kikiam.
"Ano sayo?" tanong ni Nicole habang hawak-hawak yung stick at plastic cup.
"Kwek-kwek nalang siguro" sagot ko at kumuha na rin ng stick at plastic cup.
Tumango naman si Nicole at nag tusok ng kikiam.
"Kumuha ka lang ah? libre naman yan ng lover boi mo"
Nagulat pa kami ng biglang sumulpot si Cath sa likod namin at nag salita.
"Manahimik ka nga Cath, kumain ka nalang dyan" iritang sagot ko.
Nakita ko namang ngumiti si Nicole at nag tusok nalang din.
Sinamaan ko naman ng tingin si Cath habang si Ridel ay walang ka-malay malay sa nangyayari ngayon dito dahil andon siya sa dulo, kumukuha pa ng cheese stick.
"Ho-Ho! Marky Lover Boi" pang aasar ni Cath habang naka tingin sakin at ngumunguya.
"Catherine!!"
Napatawa naman siya at tumingin naman sakin si Nicole at ngumiti rin.
Pakiramdam ko ay namumula na naman ako, nakakainis naman kasi si Cath. Hilig mang asar.
"Tapos na ako, okay na 'to" ani ni Nicole at pinakita pa sakin yung baso niyang may laman na kikiam.
"Sigurado ka? kumuha ka lang kung kulang pa" sagot ko.
"Ayieee... concern ehem" rinig kong pang aasar ni Cath bago siya bumalik sa tabi ni Ridel.
Umiling nalang ako bago tumingin kay Nicole.
"Huwag mo nalang siyang pakinggan"
"Okay lang" sagot ni Nicole at ngumiti pa siya sakin.
Ang hirap mag panggap na hindi ka kinikilig, bwesit!
Tumango ako at ngumiti sakanya bago ko ibalik yung atensyon ko sa mga kwek-kwek na andon, pagkatapos non ay nag bayad na rin ako sa mga nakuha namin.
Bumili rin kami ng mga soft drinks at umupo sa upuan na may lamesa, kaharap lang din ng tindahan at tumambay muna kami ron.
Magkatabi kami ni Nicole at kaharap namin si Cath at Ridel na abalang kumakain ng mga street foods.
"Ang sarap talaga ng luto nila rito" ani Cath habang kumukuha siya ng kikiam sa baso niya.
"Totoo, tapos hindi pa lasang panis" sagot ni Ridel at sumubo pa ng cheese stick na kinuha niya.
"Naalala ko tuloy nung kumain tayo sa tusok-tusok doon sa kanto! ang pangit ng lasa! hindi na ako babalik don!"
Napatawa kaming tatlo dahil sa sinabi ni Cath, ang ingay niya. Wala ka talagang maitatago sakanya.
Lumingon ako kay Nicole at napansin kong tumatawa rin siya habang nakikinig, hindi nga lang siya madaldal.
"Ikaw Nicole? any experience sa mga tusok-tusok na nasa kanto?" tanong ni Cath kaya napatingin si Nicole sakanya.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...