"MISSING PERSON"
December 28, 2014 — tatlong araw pagkatapos ng pasko ay bali-balita sa gc ng 9-perlas yung pagkawala ni Jessica.Yung isa sa mga classmate namin nila Louise na hindi gaanong mahilig makipag socialize at gustong palaging mag isa.
Nabasa ko rin sa post ng mga magulang niya nung isang araw na bago mag pasko ay hindi na nila nakita si Jessica. Hindi nila alam kung saan siya nag punta at kung anong dahilan sa likod ng pagkawala niya.
9-PERLAS : ACTIVE NOW
Louise: guys may update ba kayo tungkol kay jessica? nakita niyo ba siya nung mga nakaraang araw? hanggang ngayon kasi ay wala pa ring update mga magulang niya.
Ryann: Wala eh, staka wala namang close friend si jessica sa classroom natin. Halos hindi nga maka usap yon.
Brian: True, kaya sino pag tatanungan natin?
Nicole: wala rin akong update na nakuha tungkol sakanya.
Ryann: Deymm, saan siya pumunta? lumayas ba siya sa bahay nila?
Ryann: Baka sawa na sa bahay nila kaya umalis.
Louise: manahimik ka nga, hindi ka nakaka-tulong.
Louise: basta kung may update kayong nalaman o information na nakuha pakisabi agad dito or kayo na mismo mag sabi sa mga magulang ni jessica.
Yan yung mga nabasa ko sa gc namin. Malapit na mag bagong taon at hanggang ngayon ay hindi pa siya nahahanap.
Nang buksan ko yung facebook account ko ay bumungad sakin ang news article na nagsasabing nagkaroon ng magnitude 3.6 na lindol nung nakaraang araw sa lugar na malapit lang din sa amin.
Nang mapagtanto ko ang mga yon ay agad kong kinausap si Louise sa messenger tungkol sa posibilidad na naisip ko.
Louise Ordunia : Active Now
Mark: Lou, busy ka?
Louise: no, why?
Mark: sent a photo.
Mark: nabasa mo 'to? yung tungkol sa 3.6 magnitude na earthquake. parehas na araw kung kailan naibalita na nawala si Jessica.
Louise: yes, i know about that. i just read the article as well.
Mark: ano sa tingin mo?
Louise: alam ko kung ano yung tinutukoy mo at yes, there's a possibility.
Mark: wala ba tayong magagawa para malaman kung andon nga siya? sa parallel universe? o hindi ba natin siya pwedeng iligtas?
Louise: mark, you can't risk it. you can't risk your life, staka isa pa. hindi tayo pwedeng basta basta nalang kumilos nang hindi nag iisip.
Mark: wala tayong gagawin?
Louise: what we can do? we can't do anything kapag nangyari na yan. all we can do is to avoid that situation kung mangyayari man ulit and just accept the fact and leave it there.
Mark: paano natin sasabihin sa mga magulang niya?
Louise: do you think they will believe us? mark, it's better to be silent than to be called crazy by just stating facts.
Huminga ako nang malalim habang binabasa ang sagot ni Louise.
Ganon nalang ba yon?
Marami kaming alam na dahilan kung bakit nangyayari yon at kung ano ang dahilan sa pagkawala ni Jessica pero hindi namin masabi-sabi sa ibang mga tao dahil may punto rin naman siya. Iisipin nila na nababaliw na kami.
Iisipin nila na gumagawa lang kami ng kwento at baka yon pa ang ikapahamak namin. Gusto ko mang tumulong pero hindi ko rin kaya na harapin yung mga kabayaran na mangyayari kapag ginawa ko yon.
Pasenya na, Jessica.
***
January 6, 2015 (Monday) — Unang araw pagakatapos ng mahabang christmas break at holiday vacation namin.
Hanggang ngayon ay matunog pa rin na usapan yung pagkawala ni Jessica sa buong campus.
Bali-balita rin na may mga ilang mga tao rin na nawawala sa mga kalapit na lugar dito sa amin.
May mga nag sasabi pa na baka raw ay uso ulit ang mga pangunguha ng mga bata o ng kahit sino na pwedeng ma kidnap.
Naging mahigpit na rin ang securities sa campus namin dahil sa mga usap-usapan na ganon.
Wala lang yon sakin dahil kung tutuusin ay kahit anong pag iingat mo ay kapag dumating yan at mag isa ka lang ay malaki ang posibilidad na mawawala ka nalang ng parang bula sa mundong 'to.
Sunod-sunod na ang nga iksidenteng ganon kaya nag doble ako ng ingat pagdating kanila Cath at Ridel, kahit pa kay Nicole at sa iba naming mga kasama sa campus.
Sa tuwing hindi kami magkakasama ay nag hahanap ako ng mga pwedeng dahilan para lang mag kita kami o magkausap.
Hindi ko na kakayanin kung may mawawala pa sa amin. Hinding hindi ko talaga kakayanin.
Marami na siyang nakuha, marami na silang nakuha. Kulang paba yon? bakit pa kasi naimbento 'to?
Hindi nga sila patay pero parang ganon din...
Hindi mo na sila makikita ulit kapag nagkataon na mawawala ka nalang bigla sa mundong 'to at mapunta sa parallel universe.
May mga oras na naka tingin lang ako sa mga ulap at buwan, pati sa nga bituin tuwing gabi at kinakausap ang mga yon.
Iniisip ko kung ano kaya ang ginagawa ni mama sa kabilang mundo, kung maayos lang ba sila o kung napapanood ba nila lahat ng nangyayari sa baba ngayon.
Minsan napapa-isip din ako kung ano nga ba ang pakiramdam na maka-punta sa parallel universe pero syempre, natatakot din ako.
Paano kapag hindi na ako naka balik? ayokong iwan sila Cath at Ridel, sila nanga lang ang pamilya ko na andito tapos iiwan ko pa sila? hindi mangyayari yon.
Hanggang ngayon ay isa yon sa mga naging sikreto namin nila Louise at Nicole na ilang buwan na naming tinatago.
Kaming tatlo lang ang nakaka-alam ng mga yon, lahat ng tungkol sa memory anomalies, sa deja vu at sa parallel universe theory.
Siguro yung iba ay medyo pamilyar na sa salitang parallel universe pero hanggang doon nalang yon kung titignan ang point of view ng ibang tao.
Hindi nila maiintindihan kung sasabihin pa namin sakanila mula umpisa hanggang dulo.
Ayaw din ilabas ni Louise yung article na nag papatunay tungkol sa memory anomalies at parallel universe dahil sigurado rin kami na may mga scientists na maaaring mag nakaw ng mga impormasyon na galing doon.
Sino bang hindi magkakaroon ng interest tungkol doon? lalo na at isa yon sa mga mag papatunay sa parallel universe theory.
Habang parami nang parami ang mga nawawala ay hindi na rin ako matahimik ng konsensya ko, pero wala akong magagawa. Let's move on and face the reality.
LET'S JUST MEET IN THE FIELDS OF GREEN.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanfictionCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...