EPILOGUE

16 2 0
                                        

"UNTIL THEN"

Tapos na kaming mag photoshoot nila Cath para sa prom night namin ngayon.

Sila Nicole at Louise ay magkasama sa may table habang nag kwekwentuhan. Sinamahan na rin namin sila ni Cath para mag tawanan muna habang hindi pa nag sisimula ang main event ng js prom ngayon.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ng covered court, tila ba'y napaka pamilyar nito sa akin. May parte sakin na nag sasabing nangyari na 'to, pero saan?

Mabigat din ang pakiramdam ko ngayon, sa kakaisip ay hindi ko na namalayang nag simula na pala ang event namin.

"Good evening! Students of Liamson Integrated School!" bati ng principal sa bawat lahat kaya pare-parehas kaming nag lingunan sa direksyon na yon kung saan siya naka tayo sa stage.

Hindi na ako masyadong nakinig sa iba pang detalye na sinasabi niya dahil sa kakaisip ng mga bagay, nakaramdam din ako ng pagkahilo ng ilang segundo pero nawala rin naman agad.

Lumipas ang ilang segundo, ilang minuto at oras ay ito na yung pinaka hihintay namin.

Ang Promenade.

Nilibot ko ang tingin ko at nang huminto ito sa pwesto ni Nicole ay agad din akong nag lakad papalapit para yayain siyang sumayaw.

"N... nicole, may I take your hand?" ani ko sabay offer sakanya ng kamay ko.

Nakita ko naman na nag bubulungan sila Louise at Ridel habang naka ngiti na pinapanood kami.

"Sure, i would like to" sagot ni Nicole sabay hawak sa kamay ko.

Nag lakad kaminh dalawa papunta sa may dance floor at tila ba'y may mga paru-parong nag sisiliparan sa loob ng tyan ko ngayon.

Sobrang saya ko, sobrang saya ko...

Humawak ako sa beywang niya habang siya naman ay naka hawak sa mga balikat ko habang patuloy ang pag titig sa akin.

"Ang ganda mo" bulong ko na sakto lang para marinig niya.

Napansin ko naman kung paano mamula at mahiya si Nicole ng ilang segundo bago siya sumagot sakin.

"Thank you, Mark. Ikaw din, palagi naman eh" ani ni Nicole at inayos pa niya yung suot-suot kong suit.

Nag patuloy lang ako sa pag titig sakanya, iniisip ko kung aamin na ba ako na gusto ko siya?

Matagal ko nang gusto si Nicole, simula nung nagkakilala kaming dalawa nang maayos. Bumabagal ang ikot ng mundo ko kapag siya yung kasama ko, at kung totoo man na naging kami sa mga past life naming dalawa... ay gusto kong ma ulit yon hanggang dito.

"Nicole? m-may gusto sana akong sabihin" kinakabahang ani ko habang patuloy pa rin siya sa pag hahaplos sa damit ko.

"Hmmm?" tanong niya.

"Simula nung... nung mga araw na... nagkakilala tayo ng maayos. Alam ko na eh, hindi normal na pakiramdam lang yon.... I, I mean, Nicole. Na appreciate kita, sobra. Kahit pa sinusungitan mo ako noon. Gusto ko lang sabihin sayo ngayon yung totoong... totoong nararamdaman ko" pag aamin ko sakanya.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon