CHAPTER 12

17 5 0
                                        

"CHESS TOURNAMENT"
Nag lilibot libot lang kami ngayon ni Cath sa campus nang may nakita kaming poster na naka dikit sa bulletin board tungkol sa Chess Tournament na gaganapin Next week.

"Mark! sasali ka sa chess tournament?" tanong ni Cath sakin habang tinitignan yung poster.

"Hindi, anong gagawin ko ron?" sagot ko naman sakanya habang nakapamulsa.

"Akala ko sasali ka, malay mo lang naman diba" ani niya.

"Duh? hindi ah, hindi naman pwedeng gawin kong piano yung chessboard" natatawang sagot ko sakanya.

"Air pianist" ani ni Cath na parang nang aasar pa kaya napalingon ako sakanya.

"Nyenyenyenye" sabi ko at tinaasan pa siya ng kilay.

Tumawa lang naman siya ng mahina at nag patuloy na kami sa pag lalakad.

Naisipan namin na sumilip muna sa covered court at maki chismis. Alam mo na? para updated kami palagi sa mga kaganapan dito sa aming pinakamamahal na Liamson Integrated School.

Nag lakad kami papalapit sa entrance ng court at nakita ang mga estudyanteng nag hihintay at nag papalista ng mga pangalan nila para sa Chess Tournament na gaganapin next week.

Maingay at may mga chess tables na rin na inaayos don, dito kasi sa covered court gaganapin yung tournament kaya nag hahanda na rin sila.

"Woah, another Chess Tournament for this school year" ani ni Cath habang nag tuturo ng mga kung ano ano sa loob.

"Oo nga, cancelled din naman yung mga klase sa susunod na linggo kaya makakapanood tayo" sagot ko habang nakatingin sa mga tinuturo ni Cath.

"Si Louise yon oh! my bebe" ani niya at tinuro pa yung direksyon kung nasan si Louise.

Lumingon ako sa direksyon na yon at nakitang abala sa pag papalista si Louise para sa chess tournament na sasalihan niya.

Hindi na ako nag tataka kung bakit andito siya dahil parte na rin talaga si Louise ng mga chess events sa school namin kahit noon pa.

Lumalaban pa yan sa mga iba't ibang competitions at nag uuwi ng mga karangalan para sa Liamson Integrated School.

Magaling din na Chess Player si Louise, hindi lang sa acads. Siya rin palagi ang nasa top 1 sa klase simula nung grade 7 kami, grabe nga siya sobrang pinag pala ni God.

"Kailan ba nawala si Louise sa mga chess events?" sagot ko kay Cath habang pinapanood si Louise mula sa malayo.

"Well, good luck sa mga makakalaban niya" ani ni Cath at nag krus pa ng mga braso.

Tumayo lang muna kami sa gilid, sa may harap ng mga benches na nasa loob ng court habang nanonood sa mga abalang tao.

Ngumiti ako at kumaway pa nung mapansin kong nakatingin pala Louise sa direksyon namin at ngumiti pa.

Nag lakad papalapit si Louise sa pwesto namin ni Cath.

Itong si Cath naman ay hindi na naman maitago ang kilig, alam ko rin kasi na may gusto rin yan kay Louise, crush ganon. Ayaw lang aminin pero hindi ako manhid, duh? staka pass sa halata.

"Hi Mark and Cath! sasali rin kayo?" tanong ni Louise samin.

"Hindi naman, sumilip lang kami" sagot ko kay Louise at nginitian pa siya.

Tumango lang naman si Cath at ngumiti rin kay Louise. Hindi ko alam pero tumatahimik si Cath kapag kaharap na niya si Louise, kinikilig ba naman.

"Good luck, lou! you can do it!" ani ni Cath at nag finger heart pa kay Louise.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon