"DÉJÀ VU"
Natapos na akong kumain at naligo na rin ako sa katawan bago humiga sa kama ko ngayon.Nakatitig lang ako sa kisame, gulong gulo na yung utak ko dahil sa nangyayari.
"Posible nga ba talaga yon?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa kisame.
Huminga ako ng malalim habang nag iisip ng mga bagay bagay.
Kung posible nga yon, anong ibig sabihin non? kung totoo nga yung tungkol sa Past Life o Memory Anomalies na sinasabi ni Louise bakit ko nararanasan yon? bakit parang kami lang ni Louise ang nakakaramdam non?
Kinuha ko yung Cellphone ko at nag search sa Internet tungkol sa Memory Anomalies na sinasabi ni Louise.
Maraming information at iba't ibang detalye ang lumalabas don.
Nag scroll pa ako para mag hanap ng pwede kong basahin at pag kuhanan ng mga ideas tungkol don.
Binuksan ko yung isang website ron at nag basa ng mga Research na may kaugnayan sa Deja Vu at Memory Anomalies.
"Research suggests déjà vu is related to the ways our brains process information, and the way we make memories and recall familiar information"
Mas lalo pa akong na curious nung mabasa ko ang mga detalye na yon kaya nag scroll pa ako para mag basa ng iba pa.
"Déjà vu occurs when the frontal regions of the brain attempt to correct an inaccurate memory" dagdag pa roon.
"Can déjà vu be related to past life?"
Mas lalo pa akong kinutuban nung mabasa ko yung tanong na yon galing sa website kaya binuksan ko yon para malaman kung possible nga.
"If you've ever experience déjà vu when visiting somewhere new, it could be a sign you've been there in a time before this one. "Some people visit a city for the first time and yet seem to know it like the back of their hands"
Bumilis yung tibok ng puso ko habang binabasa yung mga nakalagay don.
Noon ay hindi pa ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga matatanda tungkol sa Past Life pero ngayon parang ako na rin ata ang nakakaranas non.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya nag search na rin ako tungkol sa Past Life.
Para makumpira ko nga kung may connection ba lahat ng yon.
"What is a Past life?"
Yan yung nilagay ko sa search bar at agad agad ko rin namang pinindot yung nasa pinakaunahan para mag basa ng mga research.
"The concept of a past life refers to the belief that a person's soul or spirit has lived previous lives before their current one. According to this belief, a person's current life is not their first existence, but rather a continuation of their soul's journey through multiple incarnations"
Nakatulala lang ako ngayon habang hawak hawak yung cellphone ko.
Unti unti ko na ring naiintindihan na possible nga talaga yon, hindi nga ako nababaliw. Tama nga si Louise na may connection yon sa mga Memory Anomalies.
BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
Fiksi PenggemarCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...