CHAPTER 37

7 3 0
                                        

"PERYAHAN"
March 14, 2015 — Magkakasama kami nila Cath at Ridel ngayon, nag lalaro sa bahay ng video game car race nang biglang mag salita si Cath.

"Oy!! punta tayo sa peryahan bukas!" ani niya habang naka tingin pa rin sa monitor ng tv.

"Peryahan? bukas na pala yon?" tanong ko.

"Oo, nakita ko nung dumaan ako ron nung isang araw" ani ni Cath habang patuloy pa rin kaming nag lalaro.

"May pupuntahan ako bukas ng gabi pero sige, punta tayo" sagot ni Ridel.

Nakita ko naman na ngumiti si Cath at umayos ng upo dahil nasa gitna namin siya ni Ridel habang nag focus na kami sa pag lalaro.

"Bang! panalo ako! ang hina niyo!" ani ni Cath sabay lapag ng controller sa coffee table na nasa harap lang namin.

"Palagi nalang!" pag rereklamo ko habang naka tingin pa rin sa monitor ng tv.

Napatawa naman si Ridel sabay tapik ng braso ko.

"Okay lang yan, pag bigyan na baka umiyak eh" ani niya.

"Ako? iiyak? hindi ah! baka kayo" pang aasar pabalik ni Cath at napatawa kaming tatlo.

Nagutom kami pagkatapos mag laro kaya naisipan namin na mag luto ng popcorn dahil meron naman akong stock non sa kusina.

Natatawa pa ako kay Cath dahil hindi niya pa alam mag luto ng popcorn, natatakot siya kapag puputok na sila kaya hindi niya maluto nang maayos.

Naalala ko pa yung huling nag luto siya ng popcorn sa bahay nila Ridel ay nakalimutan niya pang takpan yung pinag lulutuan niya kaya nung nag pop na nagsikalat pa sa kusina nila Ridel.

"Mark!!!!!!" rinig kong tarantang tawag sakin ni Cath habang nag aayos kami ni Ridel sa sala.

"Ano!?" tanong ko at dali-dali naman kaming nag lakad ni Ridel papunta sa kusina.

"Yung popcorn!!" ani ni Cath habang hawak-hawak yung tapik ng pinag lulutuan niya.

Kinuha naman agad yon ni Ridel at tinakip doon sa pinag lulutuan at sakto lang na nag simula na ring mag pop yung popcorn.

"Bakit hindi mo kasi tinakpan agad?" tanong ni Ridel.

"Natatakot nga ako!" sagot sakanya ni Cath.

"Sabi sayo kami na mag luluto eh" ani ni Ridel habang pinupunasan yung ibang dumi sa gilid ng countertop.

"Eh babae ako, dapat ako nag luluto sa atin"

Napatawa naman ako at naisipan pang mang asar kay Cath.

"Wala ka pala eh, takot sa popcorn!" pang aasar ko sabay turo sakanya.

"Manahimik ka nga, Mark Borja!" ani ni Cath at sinamaan pa ako ng tingin.

***

March 15, 2015 (saturday) — Kakatapos ko lang maligo dahil tuloy nga ang lakad namin nila Cath at Ridel ngayon sa peryahan dahil nga nag aya na kagabi si Cathy, alam naman niya na hindi kami makaka-ayaw sakanya ni Ridel. Lalo na at malakas siya ron.

Shorts na above the knees ang sinuot ko at yung blue shirt na favorite ko, plain naman at may unti lang na stripes design. Habang naka tingin at nag aayos sa harap ng salamin ay narinig ko yung pag vibrate ng cellphone ko na nasa taas lang ng study table ko.
Kinuha ko yon at binasa yung mga messages na kaka-send lang nila Cath at Ridel sa gc namin.

MCR TRIO : ACTIVE NOW
Ridel: I will be late guys!
Cath: hintayin ka nalang namin sa labas
Ridel: Saan doon?
Cath: sa may mga stall! sa food court!
Ridel: Mag kasama na ba kayo ni Mark?
Cath: hindi pa, wala naman siya rito
Ridel: Hindi ba kayo sabay na pupunta?
Cath: @Mark Borja, pasundo :)

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon