CHAPTER 14

16 5 0
                                        

"DING DONG DING DONG"
Napatigil kami ni Louise sa pag uusap nung marinig namin na tumunog na yung Bell sa school.

"Kailan na nating umuwi" ani ni Louise habang inaayos yung mga papel sa lamesa.

Tumayo naman ako at tinulungan siya sa pag aayos.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ko sakanya.

Napatingin naman si Louise sakin bago itago yung mga papel sa bag niya.

"Sigurado ako, Mark. Kailangan nating mahanap yung mga sagot sa katanungan na yon" sagot niya sakin.

"Paano kun-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang mag salita si Louise.

"Mark, look. hindi yon normal, hindi normal yung nangyayari satin pero hindi ibig sabihin ay nababaliw na tayo. Nararamdaman ko na may gustong ipahiwatig yung mga memorya na yon" ani ni Louise.

Sinara na niya yung bag niya at nag handa na rin para umuwi.

Hindi ko na alam kung ano yung isasagot ko kaya tinignan ko nalang siya at sumunod na sa labas.

Nakatayo ako sa gilid ngayon habang sinasara ni Louise yung pintuan ng Chemistry Lab. Siya rin kasi ang may hawak ng susi kaya may access siya sa loob.

"Louise? paano kung maramdaman ko ulit yon?" mahinang tanong ko sakanya.

Lumingon naman sakin si Louise bago siya sumagot.

"Sabihin mo kaagad sakin, mag chat ka nalang o kausapin mo ako sa personal" sagot niya.

Tumango naman ako sakanya.

Nag lakad kami ni Louise papalabas sa campus. Wala na rin yung mga estudyante ron, panigurado ay nakauwi na sila.

Nang makalabas kami ay nakita ko si Cath na nakaupo sa gilid ng bench habang nag hihintay sakin.

Agad namang tumayo si Cath para salubungin kami ni Louise nung makalabas kami sa gate.

"Hi Louise and Mark!" nakangiting ani ni Cath samin.

"Hello Cath, ingat kayo sa pag uwi" ngumiti rin pabalik sakanya si Louise habang ako naman ay nakatayo lang sa gilid at nakikinig.

"Salamat, ikaw din! may sundo ka ba?" tanong ni Carh sakanya.

"Yes, nag hihintay na rin sakin yung sundo ko. Mauna na ako" ani ni Louise kaya napangiti naman si Cath at tumango rin.

Lumingon sakin si Louise kaya nginitian ko na rin siya.

Pinanood namin ni Cath kung paano sumakay sa kotse si Louise. May kaya rin kasi ang pamilya niya kaya may service siya sa pag pasok at pag uwi.

"Tara na, Mark? baka gabihin pa tayo" ani ni Cath.

Tumango nalang ako at nag simula na kaming mag lakad papunta sa Subway Station.

Wala nang gaanong maraming tao kaya hindi na rin kami nahirapan sa pag commute ngayon.

Minsan kasi ay nakikipag siksikan pa kami ni Cath para lang hindi maagawan ng mauupuan.

Nag hintay muna kami ng ilang minuto bago dumating yung tren na sasakyan namin pauwi.

Pumasok kami ni Cath sa tren at umupo doon sa may malapit sa train door para hindi na kami mahirapan sa pag labas mamaya.

May iilan pa rin namang pasahero sa loob pero unti lang, bilang nalang sa daliri.

Napalingon ako kay Cath nung maramdaman ko na naka sandal sa balikat ko yung ulo niya. Tinignan ko siya at napansin na nakatulog na pala.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon