CHAPTER 38

6 3 0
                                        

"MAYBE THIS IS A GOOD BYE"

Habang abala pa rin ako sa pag lalaro ng bingo ay nakatingin lang sa akin si Cath sa tabi.

"Cath, mag ccr muna ako. Dito ka lang" ani ko sakanya at tumango naman siya bago ako tumayo.

Nag lakad ako papunta sa public cr na nasa pwesto malapit sa gate ng peryahan.

Nang matapos ay babalik na sana ako sa pwesto kung saan ko naiwan si Cath nang makita ko si Nicole na nag lalaro sa isang stall game na hindi malayo kung saan kami nag laro nila Ridel kanina.

Hindi ko na naisip na nag hihintay sa akin si Cath ng mga oras na yon at nag lakad ako papalapit kay Nicole para batiin siya.

"Nicole! andito ka rin?" ani ko habang nag lalaro siya.

"Mark! kakarating ko lang din" sagot ni Nicole at ngumiti pa.

Lumingon ako sa mga lobo na naka sabit sa harap para tamaan ng mga darts pero ni isa wala manlang siyang natamaan kaya napatawa ako nang mahina.

"Hindi ka marunong tumira" pang aasar ko sakanya.

"Sorry naman?" sagot niya sakin.

Umiling ako at nag bayad ng 20 pesos sa bantay para sa isa pang game.

5 darts per game, hindi na rin lugi.

Sa unang tira ay hindi ko pa natamaan yung lobo pero sa mga sumunod na bato ko ng darts ay sunod-sunod na rin yung pag putok ng lobo.

"Ah ha! see, hindi naman mahirap eh!" ani ko nang matapos na yung game na yon.

"Para sayo hindi" sagot ni Nicole.

"Anong prize gusto mo, ijo?" tanong nung matandang nag babantay doon.

"Ah... kung ano nalang po gusto ng kasama ko" nakangiting sagot ko sabay tingin kay Nicole.

"Dali na, nag hihintay si ale oh" ani ko bago pa ako tarayan ni Nicole.

"Yung caterpillar pillow nalang po, ayon!" turo ni Nicole doon sa nakasabit na caterpillar stuff toy.

"Caterpillar talaga? hindi yung cute na unicorn?" pang aasar ko sakanya.

"Edi sana ikaw nalang pumili" napatawa ako dahil sa sagot niyang yon. Mabilis din talaga mapikon eh.

Nakangiti naman si Nicole nang kunin niya yung caterpillar stuff toy na napanalunan ko.

"Thank you po" ani ni Nicole sa matandang bantay na nag abot sakanya nung stuff toys saka siya tumingin sakin.

"Ano pangalan niya?" ani ko habang pinapanood kung paano siya ngumiti at kung gaano siya kasaya ngayon.

"Hmmmm Caterpillar!" masayang sagot ni Nicole.

"Huh? Caterpillar?"

"Oo, C A T E R P I L L A R, caterpillar!"

Tumango at ngumiti nalang ako dahil sa sagot niya.

Nag lakad kami ni Nicole at nilibot pa ang paligid ng peryahan hanggang sa makarating kami sa may harap ng isang malaking ferris wheel.

Nang huminto kami sa tapat ng cashier ay tuwang tuwa pa si Nicole habang nag aabot ng bayad.

Tig bente (60 pesos) kada ride at mukhang sulit naman pero matatakutin ako sa matataas na lugar, lalo na sa mga rides na ito.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon