CHAPTER 13

10 3 0
                                    

"CHEMISTRY LAB"
Nagising ako dahil sa maingay na sigaw ni Cath malapit sa tenga ko.

Agad agad naman akong umupo at tumingin sakanya habang tinatakpan yung tenga ko.

"Cath! yung eardrums ko!" pag rereklamo ko sakanya.

"Tulog mantika ka na naman kasi. Kanina ka pa tinatapik e" sagot naman ni Cath habang buhat buhat na yung bag niya.

Lumingon naman ako sa loob ng classroom namin, wala na yung ibang mga bag doon.

Tumingin rin ako sa labas ng bintana at nakita ang mga nag lalakad na estudyante para makauwi na.

"Tumayo kana riyan, wag mong pag hintayin ng matagal si press" pag papaalala ni Cath sakin kaya tumayo nalang din ako at kinuha na yung bag.

"Hindi ka sasama?" tanong ko sakanya bago kami lumabas ng classroom.

"Hindi na, hihintayin nalang kita sa labas para sabay tayong umuwi" ani ni Cath habang nakangiti at nakatingin sa malayo.

"Sige, libre ko na pamasahe natin" ani ko sakanya.

Lumingon naman ni Cath sakin at nag pa cute pa.

"Thank you very very much, Marky! kaya love na love kita e" mag papa cute niya kaya napataas nalang ako ng kilay.

"Tumigil ka nga, hindi mo bagay" pag bibiro ko sakanya.

Tumawa lang kami ng mahina para hindi kami makaagaw ng atensyon sa mga estudyanteng nag lalakad.

Ang daming nag lalakad sa hallway ngayon para makauwi na, ako rin uwing uwi na ako pero kailangan ko pang puntahan si Louise sa chemistry lab.

"Mauna kana sa labas Cath, susunod ako" sabi ko sakanya.

Tumango naman si Cath at ngumiti muna bago mag lakad papalabas ng campus.

Nag lakad ako sa hallway hanggang sa makarating ako sa Chemistry Lab ng school namin.

Hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante yung laboratory na yon. Si Louise lang palagi ang pumupunta ron, hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa loob ng laboratory.

Mahilig din kasi yan sa pag eexperiment ng mga bagay, more like scientists ang dating niya kaya idol ko rin yon.

Kumatok muna ako bago pumasok sa Chemistry Lab.

Bumungad sakin yung mga papel na naka kalat sa taas ng table, tapos yung iba pang mga gamit na hindi ko naman alam kung para saan.

Nakita ko si Louise na naka upo sa counter high chair habang nag susulat sa isang bond paper.

Lumapit ako sakanya at lumingon din naman agad siya nung maramdaman niya na papalapit na ako sakanya.

"Mark, umupo ka muna" sabi ni Louise at tinuro yung isa pang upuan na nasa harapan niya.

Inayos niya muna yung mga papel at iginilid. Umupo naman ako sa harapan niya bago mag salita.

"Anong sasabihin mo Louise?" nag tatakang tanong ko.

Tumingin muna sakin ng ilang segundo si Louise bago sumagot.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon