CHAPTER 19

9 1 0
                                    

"THE DAY"
Monday, April 21, 2014 —ngayong araw gaganapin ang Chess Tournament na sinalihan ni Louise at syempre nag handa rin kami ni Cath ng banner na may naka lagay na "GO LOUISE!" at "BEAT THEM!" dahil nangako nga kami sakanya na manonood at magiging support system niya kami para sa laro niya.

"Ho-Ho!! Mark! bilisan mo! wala na late na tayo!" pag mamadali sakin ni Cath habang nag lalakad kami papasok sa campus.

Nakita namin ang mga iba't ibang sasakyan na naka parking sa gilid at yung ibang mga estudyante naman na papasok din sa covered court.

"Oo na! sandali! ang dami kong hawak hawak" ani ko habang binibilisan yung pag lakad para maabutan si Cath.

Hindi manlang siya maawa? ang dami kong dala-dala, yung dalawang banners, tumbler at yung bag niya.

Nang makarating kami sa loob ng covered court ay nilibot muna namin yung tingin namin sa palagid at dahan dahan lang na nag lakad sa may gilid ng bench hanggang sa maka abot kami sa empty bench na sakto namang hindi kalayuan sa pwesto ni Louise.

Umupo muna kami ron at itinaas yung mga banner habang pinapanood si Louise na abala ngayon sa pag dedepensa sa chess board.

"Go! Go! Go Louise!" sigaw ni Cath kaya napalingon saamin si Louise at ngumiti bago niya ibalik yung atensyon niya sa pag lalaro.

Habang nanonood kami kay Louise ay may lumapit saamin na babae. Isang mestisa, maganda at may brown wavy short hair, halos same height lang sila ni Cath at gaya ni ridel, naka suot din siya ng eye glasses pero medyo round.

"Hi! kaibigan din kayo ni Louise?" ani niya habang nakatayo sa gilid namin at hawak hawak yung pink pompoms.

Tumayo lang naman si Cath sa tabi ko habang naka tingin pa rin sa babae na yon. As usual, crush na naman niya agad yan.

"Ah... oo" sagot ko sakanya.

Tumango lang naman yung babae at ngumiti bago mag salita.

"Name's Samantha!" ani niya habang naka ngiti.

Inalok niya pa yung kamay niya para makipag shake hand saakin. Tinignan ko muna yon bago tanggapin.

"Mark, Mark Borja" pag papakilala ko sakanya.

Agad din naman akong bumitaw at nakipag shake hands din siya kay Cath.

Ito namang isa ay kinikilig na naman, lahat nalang ata ng makita niyang babae ay crush na niya.

"H-hi, my name is Catherine but you can call me love" ani ni Cath habang naka hawak pa rin sa kamay ni Samatha.

Halata naman sa mukha ni Samatha yung pagka gulat, ikaw ba naman sabihan ng ganon.

Dahan dahan kong kinurot yung tagiliran ni Cath kaya naman agad din siyang napabitaw sa kamay ni Samantha.

"O-ouch!" bulong niya habang naka hawak sa sarili niyang tagiliran at sinamaan pa ako ng tingin.

Ilang oras kaming pasigaw sigaw at nag hahawak ng banner para suportahan si Louise, at si Samantha naman ay naki sali na rin saamin. Tumatalon talon pa siya habang hawak hawak yung pompoms na dala dala niya para suportahan si Louise.

Hindi ko alam kung magka ano-ano silang dalawa pero pakiramdam ko ay close sila sa isa't isa, nakikita ko yon kung paano niya suportahan si Louise sa laban niya.

Nang matapos ang laban sa chess tournament ay inanunsyo na agad ng host ang mga rankings at kung sino-sino ang pasok sa top 3 players.

For the 4th time in a row ay si Louise pa rin ang champion. Maraming nag palakpakan at pumuri kay Louise dahil doon. Hanggang ngayon ay Liamson Integrated School pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga eskwelahan sa larangan ng Chess Games.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon