CHAPTER 36

2 0 0
                                    

"FOREVER LIKE THIS"
Pagkatapos ng ilang linggo na christmas break namin ay balik na naman sa school para mag aral pero hindi na gaya ng dati, sobrang daming nag bago kung tutuusin at pakiramdam mo ay hindi na ligtas kahit saan ka pa mag punta.

Sunod-sunod na ngayon ang mga balita tungkol sa mga mahihinang pag yanig sa bawat sulok ng bansa, na lalo lang nag papalakas sa pag galaw ng mga hotspots na pwedeng mag pa-active sa memory theories.

Tahimik lang ako naka upo sa classroom namin habang iniisip ang mga bagay na yon.

Recess ngayon at busog pa naman ako kaya hindi na ako lumabas ng classroom, habang yung iba ay wala pa rito dahil mas gusto nilang sa labas muna kumain bago pumasok.

"Ho-ho!!!" 

Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses ni Cath habang papalapit ito sakin na may dala pang sandwich at juice.

"Hindi ka pa nag recess, ito oh! kumain ka muna kesa nakatulala ka riyan" ani niya sabay abot ng sandwich at juice sakin.

Napangiti naman ako habang tinitignan si Cath.

"Thank you, cathy"  sagot ko sakanya at umupo naman siya sa upuan niya na katabi lang din ng pwesto ko.

"May bayad yan" pang bibiro niya sakin.

Napatawa naman ako habang binubuksan ang sandwich pack.

"Ganon ba? wait" ani ko sabay dukot sa bulsa ko.

"Wag na! nag bibiro lang eh! sayo na yan, libre ko" pag pipigil sakin ni Cath.

Ngumiti naman ako at nag simula nang kumain.

"Nasan si Ridel?" tanong ko sakanya.

"Nandon, bumibili pa. Ang bagal niya kasi, sabi ko sakanya ako na bibili para mabilis eh"

Tumango naman ako nag patuloy na sa pagkain.

"Hi guys!" bati ni Louise at nag lakad na rin papalapit sa amin sabay upo roon sa upuan na nasa harapan ng table namin.

"Hello Lou, what's up!" bati ni Cath sabay fist bump sakanya.

Tumango naman ako at ngumiti kay Louise nang tignan niya ako.

"I heard you're talking with Sam ha?, you haven't told us this yet" rinig ko sa boses ni Louise ang pang aasar nito kay Cath kaya napatingin naman ako sakanilang dalawa habang ngumunguya at walang alam sa pinag uusapan nila.

"Anong meron?" tanong ko kay Louise.

"Guess what!? nabanggit siya ni Sam sa akin last night. looks like they were doing good" sagot ni Louise habang tinitignan tignan pa si Cath.

Lumingon naman ako kay Cath at napangisi pa ako nang mapansin kong namumula siya dahil sa mga sinasabi ni Louise.

Sam and Cath? may hindi ba ako alam sakanila? wala naman yang nababanggit sa amin ni Ridel eh! tamo, kapag sa amin ni Ridel updated siya pero kapag love life niya pinag uusapan ayaw pa mag sabi.

"Kayo na ba?" nag tatakang tanong ko habang mag didikit na yung dalawang kilay ko dahil litong lito na rin ako sa mga nalalaman ko.

"H-huh!? hindi ah! hindi pa..." parehas naman kaming napatawa ni Louise dahil sa reaction ni Cath at pinipigilan niya pa ang sarili niya na wag mamula pero hindi niya matago.

"Ikaw ha! ang damot mo" ani ko sabay tapik sa balikat niya.

"Eh wala pa naman ah!" pag dedepensa niya.

CASTLE IN THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon