"TRANSFEREE STUDENTS"
Andito pa rin kami ngayon ni Cath sa 7/11, Mag aalas otso na rin ng gabi. The night is still young, sabi nga nila.Nakaupo at nag dadaldalan lang kami tungkol sa mga walang kwentang bagay, nang biglang banggitin ni Cath yung tungkol sa mga Transferee Students.
Yung nabanggit din niya habang nag uusap kami nila Ridel kaninang umaga sa school.
Talagang hindi mawala sa isip niya yon eh 'no? masyadong halata tsk tsk.
"Transferee Students?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo! tignan ba natin yung listahan ng mga pangalan? para makapag practice ako kung anong sasabihin ko kapag na meet ko sila sa lunes. yay!" Excited na sabi ni Cath sabay labas ng cellphone niya.
"Sige sige, support~" Sinabi ko na may halo pang tono, syempre support tayo, hindi pwedeng hindi!
Lumapit ako kay cath sabay yuko sa may bandang balikat niya para sumilip sa cellphone niya, habang ang isang kamay ko naman ay nakapatanong sa lamesa, ang isa naman ay naka sandal sa upuan na malapit sa balikat ni Cath.
"Liamson Integrated School: Students List" banggit ni Cath habang nag ta-type sa search bar ng facebook niya.
Ako naman ay tahimik lang na nanonood sa ginagawa niya.
"Gotchu!!!" Wika ni Cath, lumingon siya sakin at pinakita yung uploaded list ng mga students sa screen ng cellphone niya.
"Sino ba kasi hahanapin mo riyan?" nag tatakang tanong ko habang sinusundan ng tingin yung mga daliri niyang patuloy pa rin sa pag iiscroll sa listahan para mag hanap sa mga pangalan ng mga transferee students.
"Mark?? lutang ka ba?" Lumingon si Cath sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Uh... Siguro?"
Pilosopong sagot ko sakanya sabay hawak sa buhok ko, ngumuso nalang si Cath at nag scroll na ulit para hanapin yung listahan ng Section namin.
"9-Perlas, Here!" banggit ni Cath habang hawak hawak parin ang cellphone niya kaya parehas kaming tumingin sa listahan at binasa ang bawat pangalan na andon, halos lahat naman ay kakilala na namin dahil mga kaklase rin naman namin nung grade 8 pero may dalawang bagong pangalan na nadagdag don. Dalawang babae.
May biglang kung ano nalang akong naramdaman nung mabasa ko yung mga pangalan na yon.
Natulala ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nararamdaman ko na kilala ko na sila? sobrang pamilyar para sakin nung mga pangalan na yon, lalo na yung sa isa.
Nakatulala lang ako habang pilit na inaalala kung nagkita naba kami ng taong yon pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalala.
Malakas yung kutob ko na nagkakilala na kami ng taong yon pero saan? anong nangyayari sakin?
"Mark? Mark??? Hoy!" Nawala ako sa pag iisip ng bigla akong tinapik ni Cath sa balikat.
Ilang segundo na pala akong nakatulala at hindi ko na alam kung ano pa yung pinag dadaldal niya kanina.
"C-cath? bakit?" Napalunok ako at umayos ng upo para tignan siya.
"Okay ka lang ba, Mark? parang nakakita ka ng multo ah. Kanina ka pa nakatulala riyan" Sabi ni Cath habang tinitignan ako.
"Ahhh hindi... i mean, ayos lang ako" Sagot ko sakanya sabay patong ng dalawa kong kamay sa lamesa.
Nakita ko ang pag aalala at pag tataka sa mukha ni Cath ngayon habang nakatingin siya sakin.
"Sigurado ka? parang namutla ka kasi bigla e" Sagot ni Cath habang pinag mamasdan ang itsura ko.
"Oo. Ano na ulit yung sinasabi mo?" pag iiba ko ng topic sa usapan namin, agad naman siyang ngumiti at bumalik sa pag iiscroll sa cellphone niya.

BINABASA MO ANG
CASTLE IN THE SKY
FanficCastle In The Sky is a fan fiction story based on a Filipino game in 2024 named "Until Then". The story follows Mark Borja and his moments of déjà vu months after the events of The Ruling (earthquake disaster), a global disaster that caused widespre...